Masarap
balikan ang mga araw na lumipas lalo na kung alam mo na may hatid itong pag-asa
sa buhay na patuloy na aandap-andap...Minsan, mahirap iisipin bakit nga ba
sadyang may mga taong hindi marunong makaunawa sa buhay na tinatahak ng ilan..
Siguro sadya nga lang may mga taong mahirap maka-intindi sa sitwasyong hindi
nila tinahak o naranasan kaya ang mababaw na kaisipan ay sadyang nakaibabaw na
sa kanilang mga utak... Ito ang simula ng kwentong iwan ko kung saan hahantong
ang wakas.. Pero isa lang ang alam ko dapat na mangyari... Magiging makabuluhan
kung ano man ang paglalakbay na tatahakin ng mga tauhan sa kwento..
ANG MAGING MASAYA...
Ito ang simula ng kwento ng buhay na tinahak ng simpleng batang nangarap na mabago ang simpleng buhay na kinagisnan nya...
Ito ang simula ng kwento ng buhay na tinahak ng simpleng batang nangarap na mabago ang simpleng buhay na kinagisnan nya...
Sa paglipas ng maraming taon, nakita ko ang isang panahon na
hindi-hindi ko makakalimutan. Dumaan man ang tag-lagas, tag-ulan at
tag-init, hindi parin mabura ang mga alaalang nakabaon sa mga panahong
nakalipas tuwing pagmamasdan ko ang mga bagay na aking nakikita sa
harapan. Mga kabataang nagpipilit maabot ang kanilang mga pangarap at handang
makibaka upang makamit ang hinahangad sa buhay patungo sa buhay na alam nilang
bong-buo na makukuha nila ang langit na pinapangarap. Maraming nakakapagtiis at
handang isakripisyo ang lahat ng lakas kahit na dignididad maabot lang ang
kanilang mga pangarap. Marahil sa mundong ito, kailangan mung maging matapang
sa lahat ng laban upang maging matagumpay ka sa larangan na iyong pinapangrap
upang sa huli ikaw ang tanghaling matatag at matagumpay sa lahat ng laban.
Marahil, kung hindi ko tinangap sa aking sarili na ang lahat ng mga bagay may
kaugnayan sa pakikibaka sa buhay ay mahirap, at puno ng problema ay hindi ko
mararating ang lahat ng mga bagay na meron ako ngayon. Sadyang mahirap
makibaka, subalit ang lahat ay may hangganan. Ang pagtitis at sakripisyo ay may
kapalit na sa huli mo lang makukuha. Maraming balakid, subalit kung handang
magtiis at magsakripisyo para sa laban ng buhay ay may makakamtang biyaya na
kahit sa pangarap ay hindi mo inaasahan. Nasa tao kung ibig niyang marating
lahat ng mga nais niya na walang pagdududa sa kaniyang sariling kakayahan.
Tiwala sa sarili at pagsisikap na walang kapantay ang kailangan upang maging
matagumapay sa laban ng buhay. Gaano man kahirap, gaano man karaming balakid o
handlang kung para sa ikagaganda ng buhay, kailangan mong harapin upang masabi
mong ang tagumpay na iyong narating ay totoong pinagsikapan at nakuha sa tamang
paraan. Tototo, hindi ganon kadali para sa isang walang katuwang sa buhay na
maabot ang lahat ng mga pangarap. Subalit kung positibong iisipiin na ang lakas
na mayroon ang isang taong nag pupursigi at nag-iisip na may patotongohan,
ang lahat ng laban ay may makakamtang gantimpala sa kanyang tagumpay.
Taong 1979, buwan ng Oktobre pinakasalan ng aking ama ang aking
ina. Limang buwan na ako noon sa sinapupunan nya ayon sa istadistikang aking
nakita bago pa man ako makatapos ng pag-aaral at matuklasan sa huli na buntis
na siya bago pa man sila mag-sama ng legal. Makalipas ang dalawang buwang
kasal, nagpaalam ang aking ama na makikipagsapalaran sa maynila upang maghanap
ng isang trabaho. Noon, isang payak na pamumuhay lamang mayroon ang pamilyang
kinalkhan ng aking ama sa bayan ng Mindoro.
Marami silang magka-kapatid na ibat-iba ang ina. Ayon sa kwento, walang malapit
na pamilya ang aking ama at patay na ang kanyang ina bago pa man sila ikasal ng
aking ina. Labing siyam na taon noon ang aking ama at mag lalabing walong taon
naman ang aking ina. Walang hanapbuhay ang aking ama at ganon din ang aking
ina. Sa murang gulang na pag-aasawa, maraming dahilan upang hindi nila
matugunan ang pangangailangan ng isang isang binuong pamilya na pilit sa hinog
lamang. Ikinasal sila at nagsama sa ikli ng panahon dahil sa udyok ng pamilya
at mga kaibigan. Dahil sa hirap at walang patutunguhang pagsasama, kawalan ng
maayos na tranaho, seguridad sa tahanan at iba pa, napilitan ang aking ama na
lumuwas at tuluyang iwanan ang aking ina kasama ako na walang malay sa
sinapupunan niya. Subalit ang pinaka masaklap, iyon na pala ang huling
pag-uusap at pagkikita nila ng aking ama.
Lumipas ang ilang araw, buwan hanggang sa ako’y ipanganak, walang
sulat o telegramang dumating sa aking ina na nagsasabing pinalad ang aking ama
sa lugar na pinuntahan niya at kami’y balikan sa probinsyang pinag-iwanan niya.
Dahil sa pangyayaring iyon, labis na sama ng loob ang dinanas ng
aking ina habang ako’y kasama niya. Sa tuwing pagmamasdan niya ang patpating
bata na isinilang niya, hindi niya lubos maisip kung anong buhay ang hinaharap
nito pagdating ng panahon.
Matapos akong isilang, kalbaryo naman ang dinanas ng aking ina sa
kamay ng sarili niyang pamilya. Marahil, hindi niya lubos maisip na ang taong
siyang magiging sandalan niya sa mga panahon na lugmok siya sa problema ay siya
paring maglalagay sa kanya sa pedestal ng kahirapan sa buhay.
Mula sa mga simpleng gamit na naipon buhat sa isang simpleng
kasalan ay kinuha nila at ibenenta kapalit ng pagkupkop sa aming mag-ina. Hindi
pa dito nagtapos ang lahat, pati dignidad ng aking ama ay kanilang hinuburan sa
paningin ng aking ina. Ang Pag aalimpusta, paghamak sa aminng dalawa nang mga
panahong iyon ay walang kasing sakit sa isipan ng aking ina at marahil iyon ang
nagtulak sa kaniya upang magising siya sa katotohanang walang dahilan para siya
lubusang umasa sa sariling kadugo at pamilya.
Nang mga panahongn iyon, tanging ang aking lola ang siyang
kaagapay ng aking ina sa lahat ng problema. Palibhasa bunsong anak siya ng
aking agwela, siya ang gumabay sa aming mag-ina upang harapin ang laban ng
buhay. Napilitang mag trabaho at lumuwas ang aking ina mula sa Mindoro
Orriental papuntang Batangas upang manilbihang kasambahay sa isang may kayang
pamilya. Labandera, tagaluto at tagalinis ng bahay ang araw araw na rutin niya
sa sweldong 10 peso kada buwan habang ako na noon ay ilang buwan pa lamang ay
naiwan sa kalinga ang aking agwela.
Lumipas ang buwan at naging taon, sa paninilbihan ng aking ina sa
batangas, isang aksidente ang nangyari sa kanya na muntik na niyang ikakitil ng
buhay. Aksidenteng nabuhusan siya ng asido at nasunog ang kaliwa niyang braso.
Ang pilat na makikita sa kaliwang bahagi ngayon ng aking ina ay isang lamat na
marahil ay di maitatago sa kung anong hirap ang napag-daanan niya ng mga
panahong iyon upang mabuhay lamang. Maraming kwento ang aking ina sa panahong
halos inakala niyang di ako mabubuhay noon. Dalawang taon na ako subalit ang
katawan ko ay isang patpating bata na halos walang sustasiyang dumadaloy sa
katawan anupat kung titingan mo lang, isang hininga na lang ang nalalabi upang
mabuhay sa mundo ibabaw. Subalit di siya sumuko ipang ako’y ipaglaban sa
mundong ito. Mag tatatlong taon ako noon ayon sa kwento ng aking lola sa akin
(Nang ako’y 10 taon na) galit na galit ang aking mga tiyahin sa akin at madalas
na minamalatrato dahil mainit ang dugo nila sa akin anupat lahat ng pahirap
para sa murang katawan ko ay aking naranasan. Maging ang muntik muntikang
pantayin ako at itapon sa ilog na kung hindi lang daw agarang maabutan ng aking
lola ang sitwasyon noon, marahil wala na silang batang aabutang buhay sa bahay
na kanilang pinag-iwanan sa akin. Ang hirap na dinanas namin sa kamay ng aming
mga kaanak ay sama-sama naming tinakasan kasama ang aking agwela. Bumalik kami
sa lupang tinubuan ng aking ina. BICOL.. Tinambac, Camarines Sur..
Dito nagumpisang muli ang aking ina kasama ang aking lola. Marami kaming
kamag-anak dito subalit, wala rin kami inasahang tulong at suporta sa kanila
dahil siguro kahit sila ay salat din sa problema pagdating sa buhay. Nanirahan
kami sa isang kamag-anak at pansamantalang iniwan ako sa pag-aaruga ng aking
lola habang bumalik ang aking ina sa pangangamuhan sa Batangas, at naghanap ng
malilipatan sa Maynila dala ng liit ng sahod.
Dahil sa murang edad, hindi imposibleng magkaroon ulit ang aking
ina ng isang ka relasyon. Ang totoo, maganda ang aking ina.Hindi naman siya
kataasan at katangusan ang ilong, subalit ang kutis niya na may kaputian ang
nagbigay sa kanya ng isang aura na pwdeng makabihag noon sa mga kalalakihan.
Subalit, ang lahat ng mga pakikipagsapalaran niya sa pag-ibig ay nauwi rin sa
wala at muling naloko. Nagkaroon siya ng karelasyon noon ngunit lingid sa
kanya, ang lalaking pinagkatiwalaan niya ay may roon palang isang pamilya.
Umuwi siyang bigo at luhaan dala ang sangol sa kanyang sinapupunan. Hindi pa
naman siya nakakaahon sa unang kabiguan at hito na naman ang pangalawang
karanasan na siyang halos kumitil sa kanyang buhay. 4 na taon na ako noon at
medyo mulat narin at nakikita ko ang kasaysayan ng aking ina sa gulang na iyon.
Lumaki ako na isang normal na bata, subalit hindi naghahanap ng isang ama. Sa
aking murang isip ng mga panahong iyon, hindi ko maintindihan ang kahalaganan
ng isang ama. Nagkaisip ako at nagkamalay na tanging puro babae lamang ang nasa
paligid ako. Walang lalaki at wala akong Tatay na naririnig sa aking paligid.
Marahil, ito ang dahiln kung bakit, walang halaga sa akin ang salitang ama at
hindi rin ako naghanap ng isang ama.
Nakamulatan ko na nakatira kami sa isang simpleng bodega. Walang
ilaw, gamit at tanging higaan lamang ang makikita mo sa loob kasama ng isang
niyog na natatandaan ko pa na iyon ang isang laruan na gusto gusto kung
paglaruan at gawing bola. Buntis noon ang aking ina. Subalit, wala sa isip ko
kung sino ang ama at ano ko ba siya kung sakaling isilang siya. Sa hapis na
mukha ng aking ina at lola, nakita ko ang lahat ng pagdurusa at pag-aalala. Hindi na marahil sa akin, kundi sa batang
isisilang pa niya.
Isang araw, dumaing ng sakit ng tiyan ang
aking ina kahit sa pagkakalam nila ay hindi pa niya kabuwanan. Ayon sa kwento, wala pang pitong buwan noon ang tiyan nya at
imposibleng manganak ng ganoong kaaga. Sa loob ng bodega, ang labis
napag-aalala sa mukha ng aking lola dahil sa hirap ng aking ina ay aking
nakikita. Mailalarawan ko ito ngayon dahil nakikita ko ang mukha noon na hindi
ko mailarawan dahil sa musmos na gulang pa lamang. Dahil sa kakulangan sa
pinansyal na pangangailangan, napilitang paanakin ang aking ina sa loob ng
bodega na tanging walang alam na komadrona lamang ang siyang tumutingin at
nag-aasista sa kanya. Nang mga oras na iyo, marami ng dugo ang nawawala sa
kanya at totoong nagdedeliryo na siya dahil sa hirap. Lumabas ang sanggol sa
sinapupunan ng aking ina. Isang batang lalaking sanggol. Akala nila, tapos na
ang lahat. Hindi pa pala. Makalipas ang ilang minuto, lumabas ulit ang isang
batang lalaking sanggol. Parehong buhay ang bata ng ilabas ng aking ina.
Subalit, dahil siguro sa pre-mature ang dalawa at kailangan pa nilang idiretoso
sa incubator kung sakaling nasa ospital ang dalawa, hindi rin nagtagal at
binawian ng buhay ang kawawa kung mga kapatid habang duguan at lupaypay naman
ang aking ina ng mga oras na iyon.
Hindi malaman ng komadrona at ng aking lola ang dapat gawin sa
aking ina ng mga panahong iyon. Tanging dasal at paghingi ng lakas sa diyos ang
tangi niyang pinaghuhugutan ng enerhiya para sa buhay ng kaniyang anak at aking
ina. Upang maampat ang pagdurugo, nilagyan ng mga basahan ang pwerta ng aking
ina ng sa gayon kahit paano ay maampat ito. Subalit, hindi ganon ang nagyari.
Nang mga panahong iyon, mahirap ang biyahe patungo sa isang
pasilidad pagamutan. Walang maayos na transportasyon na magdadala sa isang
pasyente para sa agarang paglilipat at pagbibigay lunas sa isang may sakit. Sa
kaso ng aking ina, imposible nga na madala siya dahil sa kalagayang iyon.
Nagbilang pa ng oras, tanging dasal at hingi ng awa na lang ang inasahan ng
aking lola habang kalong niya ako. Salat ako sa emosyon ng mga panahong iyon at
hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa aking paligid. Hindi ko
nararamdaman kung anong halaga ng isang magulang at ano ang epekto sa akin kung
sakaling mamatay ang aking ina sa mga oras na iyon. Basta ang alam ko andon
lang ako at nagmamasid..Isang umaga, nagising na lang ako na parang isang
normal na araw na lang ang bahagi ng kahapon. Nakita kung kinuha ng ilang tao
ang bangkay ng dalawa kung kapatid na hindi ko batid kung saan nila dadalhin.
Ang aking ina ng mga oras na iyon ay nakaratay parin na iwan ko kung tulog o
walang malay. Natatandaan ko pa, pinangalanan ang kapatid ko ng Juan at Jose
bago ito kinuha ng mga tao sa aming tinitirhan.
Makalipas ang ilang araw, matapos manganak ang aking ina ng
dalawang sangol na namatay, nakita ko siya na nakaupo sa papag habang
pinapakain ng aking lola ng isang lugaw. Walang ibang nagging rutin ang aming
araw araw na buhay maliban sa kakain ng lugaw, matutulog at ako’y maglalaro ng
bolang niyog sa loob ng tinitirhan namin. Isang araw, nagulat na lang ako ng
sabihing aalis na kami sa tinitirhang iyon. Natatandaan ko pa ang unang tanong
na lumabas sa aking bibig ng mga panahong iyon at ang unang tanong na naitanong
ko mula ng ako’y mag-kaisip. “SAAN NAMAN TAYO PUPUNTA?” nasanay na ako sa lugar
na iyon at palagay ko, tahimik siya at di ako nasanay na maraming tao dahil
lumaki ako na halos walang batang nakikita sa paligid, at kung meron man iyon
at sa di maiiwasang pagkakataon siguro kapag dumadalaw ang mga kamag-anak ko
dala ang kanilang mga anak. Walang namutawing sagot sa bibig ng aking lola at
maging ng aking ina. Nang lumabas kami ng bahay, bumalik ako sa loob upang
kunin ko ang tanging naging karamay ko sa loob ng bahay na iyon habang wala
akong kasama at ang aking lola ay may inaasikaso sa labas. IYON ang BOLANG
NIYOG. Ang nag-iisang laruan ko na hanggang ngayon ay di ko makakalimutan.
Pumasok ako sa loob, subalit ako’y hinabol ng aking agwela at di
pinayagang kunin ang bagay na iyon pati ng aking ina. Iyong ang unang sakit ng
loob na naramdaman ko sa aking murang gulag. Umiyak ako ng umiiyak.Nagpalahaw,
sumigaw hanggang sa gusto ko at wala sila nagawa. At wala rin ako nagawa kundi
tangapin ang katotohanang sa ikling panahon na pinagsamahan namin ng bolang
niyog ay tapos narin ang masasayang alaala namin habang pinaglalaruan ko siya
sa dati naming tinitirhan.Apat na taon ako noon at pakiramdam ko, importante sa
akin ang isang ama at nararamdaman ko na naghahanap ko ng isang totoong
magbibigay sa akin ng kalinga tulad ng ibang bata na nanakikita ko sa aking
paligid. Hindi ko noon maipaliwag kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa isang
magulang. Sa totoo lang, ni minsan ay hindi kami na kapag-usap or nag-uusap ng
aking ina. Hindi ko
naramdaman na importante ako sa kanya at importante rin siya sa akin. Basta ang alam ko, nabubuhay lang ako sa mundong ito na walang
dahilan at kumakain kung kailangan.
Hindi rin ako nagulat ng isang araw, mayroong isang lalaki na
ipinakilala ang ang aking ina sa aking lola. Nang mga panahong iyon, nasa Camarines Norte
na kami nakatira. Sa Bayan ng Mercedes. Ang aking
ina ay nakatagpo ng panibagong pagkakakitaan. Isa yong parlor at Beautician
siya sa isang parlor na pag-aari ng mga Navarro. Isang teacher sa isang
pampublikong paaralan ng Elementarya si Mrs. Navarro ng mga panahong iyon.
Naaalala ko pa, apat na taon ako noon ng minsa’y isama niya ako sa
kanyang klase sa Grade One. Masyado akong na sorpresa sa loob ng eskwelahang
iyon ng Mercedes
Central
School.
Saling pusa ako at tinuturan ako ni Mrs. Navarro kung paano magsulat at bumasa.
Buong akala ko ay tuloy-tuloy na iyong pagpasok ko sa school na iyo. Hindi pala. Mabait si Mrs. Navarro. Hindi ko
makakalimutan iyon. Ang dahilan, kung bakit umalis
kami sa poder ng mga Navarro ay mag-aasawa na naman palang muli ang aking ina.
Sa aking isip, normal na tanawin lang ang bagay na iyon at di ko naitatanong
kung ano ang dahilan at ano ang epekto nito sa buhay ko kung mag-asawa ulit ang
nanay ko ng mga panahong iyo. Palibhasa’y bata ba at nasa edad bente tres lang
naman siya ng mga taong iyon, hindi malayo nga na muling makapag-asawa ulit
siya.Iyon ang simula ng isang pang-habang buhay na misteryo ng kanyang buhay at
ng aking buhay sa poder ng kaniyang huling napangasawa.
Isang talamak na adik at nagtratrabahong mangingisda ang aking
amain ayon sa pagkakilala ng aking lola. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan
dito ng aking ina. Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ilang kapatid at kapamilya
at maging ng aking lola, hindi parin siya naawat na panindigan ang desisyong makisama
sa bagong lalaki na nakilala nya. Ang dahilan, buntis na pala siya. Dahil doon,
napilitan kaming makisama sa lalaking walang direksyon at parang hangin lang
kaming itinataboy kung saan mapunta at kung ano ang buhay na naghihintay sa
amin. Noong mga panahong iyon, lahat ng mga mangingisda ay nangangamuhan lamang
at walang permanenteng bangka na ginagamit. Kung saan malakas ang pangisdaan,
doon sila kumakapit at nagpaaalila kasama ng mga pamilya. Naranasan kung
matulog sa kung saan saan na lamang. Sa kural ng mga baboy, sa lutuan ng mga
bangka na ang tanging sapin ay karton, sa lambat at kahit sa bangka sa edad na
limang taon. Sa umaga, namumulot ako ng mga tuyong kahoy na pinagtabyasan sa
mga ginagawang bangka sa ilalim ng barracks ng aming tinitirhan. Isang malaking
barracks kasi iyon na tirahan ng lahat ng mga manggagawang mangingisda sa isang
mangangalakal. Doon
nagsimula ang lahat ng panglalait sa akin bilang isang anak ng nakalipas na
buhay. Lahat ng mga masasakit na salita tulad ng putok sa buho, pinulot sa tae
ng kalabaw at salitang di ka mahal dahil may bago ng pinagbubuntis ang aking
ina ay noon ko lang din narinig. Ang salitang pagmamahal ay di ko alam. Walang
halaga sa akin ang lahat ng iyon dahil hindi ko rin naman maintindihan ang
kahulugan ng mga naririnig ko sa bawat araw na umuusad. Para
lang akong isang utusang manekin na gumagalaw kung kailangan ng mga panahong
iyon.
Pinagbubuntis na noon ng aking ina ang aking kapatid
at ang alingasngas tungkol sa paglabas ko sa mundong ito ay unti-unti kung
napapagtagpi-tagpi. Mula sa isang simpleng bata na iniluwall at nagka-buhay.
Nalaman ko na ako’y walang kinikilalang ama. Na akoy may isang ina, subalit di
ko alam kung anong damdamin meron siya sa akin at mula sa isang simpleng tanong
kung ano ba talaga ang halaga ko sa mundong ito bilang tao ay nasagot ko ng
paunti-unti dahil sa mga taong nakapaligid sa akin.
Dito nagsimula ang lahat upang maikintal ko sa aking isipan na iba
ako sa normal na bata na may kinalakhang magulang. Isang ama’t ina na kasama
nila araw-araw at nagmamahal sa kanila. Dahil sa pangyayaring iyon, nagsimula
akong humobog isang pangarap na tanging ako lang ang siyang nakakaalam.
Pangarap na balang araw, babaguhin ko ang ikot ng aking buhay. Anim na taon na
ako noon, subalit bukas na ang aking kaisipan sa kahirapan na aking nakikita sa
paligid. Mga batang gusgusin na walang ginagawa kundi ang mgalaro sa labas ng
kanilang tahanan habang abala ang kanilang mga magulang sa araw-araw na gawin
upang sila ay mapakain at mabuhay. Ah, sadyang nakakaingit nga naman ang mga
panahong iyon. Isang bagay na hindi ko naranasan sa aking buhay na maging
masaya tulad ng isang simpleng bata sa PARANG’ habang nakikipaghabulan sa kapwa
mo bata dahil sa maraming bawal. Sa edad na anim na taon, wala akong naging
karamay sa buhay kundi ang mga simpleng laruan tulad ng mga pinggan, manika, at
mga pira-pirasong bagay nanapupulot ko sa labas ng aming tinitirhan. Wala akong
nakakausap kundi ang aking sarili at mga pangarap na balang araw, babaguhin ko
ang aking sarili at aahon sa kahirapang ito kahit sa anong paraan. Nang mga
panahong iyon, wala kong kasama sa bahay dahil tumatagal ng ilang araw sa dagat
ang aking amain dahil sa pamamalakaya. Samantalang ang aking ina naman ay abala
sa mga gawaing pwdeng pagkakitaan ano man yon bilang dagdag sa pang-araw araw
na pangangailangan sa kabila ng buntis siya. Dumating ang araw na isinilang
aking kapatid. Isang lalaking pinangalanang Philip. Nang mga panahong iyon,
salat ako sa emosyon at halos walang pakiramdam kung ano ba ang halaga sa akin
ng munting angel na ito sa aking buhay. Ang tanging alam ko lang, wala akong
pakialam kung siya man ay nailuwal sa ibabaw ng mundong ito. Di ko naramdaman ang salitang pagmamahal para
sa batang ito. Wala rin akong pakialam kung ang
batang ito ay kaagaw ko sa atensyon ng aking ina o siyang magiging dahilan
upang higit na maging miserable ang aking buhay. Lumilipas ang araw na ang
nagiging rutin ko ay mamulot ng mga tuyong kahoy, magtabo ng tubig kumain at
matulog. Wala akong kalayaan para maglaro at lumabas ng bahay kung hindi
kinakailangan. Ang kalayaang makihalubilo sa mga ka edad ko ng mga panahong
iyon ay nakatago lamang sa loob ng sulok ang aming dampa at nagmamasid lamang
sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng mga kabataan sa isang butas ng dingding
habang nangangarap na sana isang araw ay makatakas ako sa kulungang ito at
makapaglaro din kasama ng mga batang nasa paligid. Duimating ang pagkakataong
hinihintay ko. Isang bata ang nangahas na yayain akong maglaro sa tabing ilog habang
nahahanap ng mga SHELLs sa dalampasigan. Noong mga panahong iyon, sagana pa ang
ilog ng Mercedes ng mga lamang dagat kaya masarap manguha at maghanap niyon. Sa
labis na kasiyahan ko, hindi ko namalayan na ang aking rutin sa araw na iyon na
manguha ng pangatong at magimbak ng tubig ay aking nakalimutan. Wala akong
ibang naisip kundi ang maglibangng at magsaya ng mga oras na iyo kapiling ng
mga kapwa ko bata habang namumulot ng mga kabibe sa dalampasigan.
Iyon na pala ang simula ng aking bangungot sa kamay ng aking
amain. Ang kabayaran ng aking munting kasiyahan na maranasan ko ang pagiging
isang simpleng bata sa edad na anim ay mapuputol lamang ng panandaliang panahon
lakip ang isang hagupit ng sinturon at ibitin ng patiwarik sa taas ng bubong
kalakip ang maghapong walang kain habang nakagapos ang mga paa’t kamay. Wala
akong magawa kundi ang maawa sa aking sarili at nagtatanong na sana’y matapos
na ang araw na ito upang akoy makalaya. Sa aking tabi, habang kumakain ang
aking ina kasama ang kanyang asawa, ingit na ingit ako habang kumakain sila at
umiinom ng tubig habang akoy gutom at uhaw na sa isang tabi at nakagapos
maghapon. Ang aking kapatid naman ay mahimbing na natutulog at walang alam sa
aking sinapit na hirap sa kamay ng kanyang ama. Pinagmasdan ko ang mukha ng
aking ina kung may magagawa ba siya para sa akin subalit blangko lang ang
ekspresyon na aking nakikita. Nang mga panahing iyon, di ko alam ang salitang
awa kaya hindi ko mailarawan kung naawa ba sila sa akin or hindi. Sa ngayon,
masasabi ko na ang mga mukhang nakita ko noon sa kanila ay manhid at walang
pakiramdam upang ako’y kaawaan habang gutom at nakatali sa isang sulok ng aming
dampa..
Dumating ang aking agwela, ang aking tagapagligtas. Nakita nya ako
sa sitawasyon halos di siya makapaniwala. Awang-awa siya sa aking itsura habang
nangigilalata sa pagod at kakaiyak maghapon lakip ang uhaw at gutom. Sa mga
oras na halos di ko na marinig ang mga anasan ng pagtatalo, isang bagay lang
ang nagging malinaw para sa akin, ang linya ng aking ina na “MABUTI NGA SA
KANYA YAN PARA TUMANDA”…iyon na ang naging ugat upang maging malayo ang loob ko
sa aking ina habang ako’y nagkakaisip sa murang edad. Nahuhubog ang aking
emosyon at kaisipan na wala akong kakapitan kundi sarili ko lang. Sa konting
pagkakamali ko, sinturon ang aking karamay. Bugbog sa harap ng maraming tao
habang pinapagalitan. Sa gabi, nag-iisip ako kung saan ba patungo ang buhay ko.
Sa edad na anim na taon, natuto na akong kalabanin ang lungkot ng pag-iisa na
wala kang kakampi kundi sarili mo.
Isang araw, ipinaalam ako ng aking malayong tiyuhin na isasama sa
pangangahoy sa ilog. Pumayag naman ang aking ina at ama para daw may pakinabang
naman ang araw ako. Doon
nagkaroon ng malaking pagbabago ang aking buhay sa salitang sekswalidad. Hindi
ko akalain na ang pagsama sa aking ng taong ito ang siyang sisira sa mura kung
isipan upang maging mulat sa sekso. Hindi ko makakalimutan, labing anim na taon
ang tiyuhin ko at ako’y anim na taon lang. May dala siyang mga pornograpiyang
babasahin at ipinakita nya sa akin ang bawat detalye ng magazine. Doon
nakita ang hubad na katotohanan hinggil sa sekso. Bawat sulok ng babasahing
iyo, ay hindi pinalampas sa aking pangingin ng buhong kung tiyuhin.
Matapos ang pagpapakita niya ng mga malalaswang eksena. Naghubad
siya sa aking harapan upang ipinakita ang hindi ko dapat Makita kasabay ang
pagtuturo sa akin ng mga nakita ko sa babasahing dala nya. Wala akong alam sa
gawaing iyon.. sa murang isip, hindi ko alam ang salitang tama at mali.
Naganap ang hindi dapat maganap..hindi ko mailarawan ang mukha ng taong ito
habang pilit nyang pinapalaruan sa akin ang kanyang kasilanan. Matapos noon,
binigyan niya ako ng PISO.. pambili ko raw ng kendi. Sinabi nyang wag kung
sasabihin sa iba ang ginawa naming dahil magagalit ang mga magulang ko. Isang
pilit na OO lang ang sagot ko dahil di ko naman alam ang magiging epekto nito
sa akin sa mga darating na panahon.
Umuwi kami na may dalang tuyong kahoy. Matapos akong maligo at
magbihis ng mga oras na iyon, dinatnan ko sa hapag kainan ang aking ama
na walang imik.. sabagay, talaga namang di sa akin umiimik ang aking amain kung
hindi kinakailangan. Ang pisong binigay sa akin ng aking tiyuhin ay hindi ko
alam kung anong gagawin.. hindi naman kasi ako marunong bumili noon sa
tindahan. Naaalala ko pa noong unang bili ko sa tindahan na umiyak ako ng
umiyak sa harap ng mga tao dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko
maituro ng ayos ang bagay na kailangan kung sabihin sa tindahan. Sobra akong
napahiya kaya halos isumpa ko ang tindahan na hindi na ako bibili doon kahit
kailan dahil sa katatawanang eksena na ginawa sa akin ng mga tao doon. “ LINTIK NA BATANG ITO, BIBILI LANG DI PA
MASABI ANG BIBILHIN.. hahahahaha!.. Putok sa buho kasi
walang ama at di na mahal ng ina kaya nag-iisa! Walang alam sa mundo sabi ng
iba..” Kawawang bata! Walang kasama sa buhay! Hahahaha! Dapat dyan ipaampon na lang sa ibang magulang
yan para matuto…… ibat-ibang eksena na tumatak sa aking
murang isip.. kaya ang pisong kabayaran sa isang kahayupan ng aking tiyuhin ay
itinapon ko na lamang at natulog na lang.
Doon
umiikot ang aking buhay sa paulit-ulit na eksena habang ako’y nasa anim na
taong gulang pa lang.. mamulot ng tuyong kahoy, magimbak ng tubig, at magalaga
ng kapatid.. walang puwang ang maglaro at lumabas ng bahay para makihalubilo sa
mga kabataang kaedad ko at ang abusuhin ng aking tiyuhin sa murang gulang para
sa pansarili nyang kasiyahang laman….
Kahit minsan hindi ko naisip na ang lahat ng mga bagay na ito ay
kakapit sa aking buhay hinaharap… bangungot na paulit ulit na lilitaw sa aking
panaginip at magpapa-alaala kung anong klaseng buhay meron ako ng mga panahong
iyo. Sadyang masakit, at talagang mahirap tanggapin sa simula ang lahat ng
aking maramdaman na parang isa akong basura na itinapon at walang pakinabang ng
mga panahong iyon at namulatan ko ang katotohanan sa mga panahong ito na ang
lahat ay puro mali
pala sa aking buhay.
Sinong magsasabing masarap maging bata kung hindi mo naranasan ang
kalayaan ng pagiging isang musmos? Sinong magsasabing masaya kang nilalang kung
hindi mo naman naramdaman ang totoong kahulugan nito sa simulat-simula pa
lamang ng iyong kabataan? At sinong magsasabi na lahat ng tao ay pwdeng makabili
ng kaligayahan kung wala ka naming maipambibili nito kahit sa katotohanang
panandalian lamang..
Marahil kung hindi ko tatangapin sa aking sarili na ang mga bagay
nangyari sa akin noon ay isang lipas na sandali na lamang, hindi ako
makakabangon sa kinatatayuan ko at patuloy na nakalugmok sa pangit na kahapon
ng aking buhay.
Pasukan na, pitong taon na ako at wala parin akong isip sa
kung ano ang mangyayari sa akin sa pagdagdag na ito ng aking edad sa kalendaryo.
Hindi ko alam na malaking problema parin pala
ang aking kinakaharap sa pagpasok ko sa unang taon sa paaralan. Wala akong
rehistro bilang isang bata na isinilang sa bayang ito ng Camarines Norte .
Pitong taon, subalit hindi pala ako handa sa usaping legalidad bilang isang
batang isinilang kung sino ang aking ama at ina para matangap sa paaralang
iyon…
Dahil sa pangyayaring iyon, kinailangang
iparehistro ako bilang isang late registrant sa munisipyo ng aking agwela. Ang
aking agwela rin ang siyang kasama ko sa mga panahong nagsisimula ako sa unang
taon ko sa eskwelahang pinapasukan. Sa unang yugto ko sa pagpasok bilang grade
one, nakita ko ang pagkakaiba ng aking buhay sa mga kaklase ko. Mula sa mga
gamit, damit, sapatos at baon ay sobrang kaawa-awa aking kalagayan. Doon din
nagsimula ang unang tanong ko sa aking sarili na “Kailan kaya ako magkakaroon
ng mga bagay na iyon?”..Mga laraun na kahit kailan ay hindi ko naranasang
magkaroon. Damit na bago, masarap na pagkain,
pambili ng titserya at makapaglaro ng malaya na walang hinahabol na oras sa
aming bahay. Ang bawat kalayaang nakukuha ko sa isang pagkakataon ay aking
sinasamantala kahit batid ko na kapalit nito ay isang parusa mula sa aking ina
at amain. Bilang bata,
ramdam ko ang pagnanais na maramdaman ito sa kabila ng maraming bawal.
Nagpatuloy ang inog ng aking buhay buhay sa elementarya ng halos
walang pinag-iba ang routin sa araw araw. Gumising ng maaga, kumain ng almusal,
pumasok at umuwi sa takdang oras na itinalaga ng aking ina.
Kabilis ng mga panahon, pitong taon na pala ako at ang dating
walang muwang na bata noon ay unti-utinh nahuhubog at natuttuto sa laban ng
buhay upang maging matatag. Grade two na ako ng iwan ako ng aking agwela at
nagising na lang isang araw natalagang wala na siya sa aking tabi. Aking aking
nag-iisang karamay at kaibigan na siyang katuwang ko sa labang ito. Labis ang
aking pagdadalamhati at siphayo ng mga panahong iyo at halos ang aking iyak ay
di matatawaran habang ang aking mga kabataang pinsan noon ay nakatingin lang sa
akin na parang natutuwa na ako’y wala ng kakampi sakabilang silay nalulungkot
din. Sa lahat ng apo ng aking lola, tanging ako lang ang binigyan nya ng
importansiya kaya marahil ganon na lang ang damdamin ng mga pinsan ko sa akin.
Sa huling hantungan, umiiyak ako ng umiyak na parang wala ng
katapusan hanggang maramdaman kung ubos na ang aking luha subalit ang sakit ay
patuloy na andon at nakatago sa loob ng aking puso. Unti-unti, tinanggap ko na
marahil iyon ang ang panahon upang harapin ang buhay na mag-isa kasama ng mga
taong di ko alam kung ako’y may halaga kahit kadugo nila.
Dahil sa pangyayaring iyon, ibinuhos ko ang aking panahon sa
pag-aaral hanggang makamit ko ang karangalang “BEST in CLASS” sa ikalawang
yugto ng aking pag-aaral. Nang mga panahong iyon, hindi ko alam kung paano ko
sasabihin sa aking ina na ako’y may honor at nag-iisang bata na nakakuha ng
mataas na grado sa aming section.Hindi kasi nila ikanatutuwa na ako’y isang
bobong bata dahil sa lower section ako napunta.. ang SECTION 10 ika nga..
Bakasyon, tapos na ang ikalawang taon ko sa elementarya, ang buhay
ko ay muling iinog sa bahay at pag-aalaga ng aking kapatid. Hindi ko
makakalimutan ang mga panahong halos wala kaming matirhang matino ng aking mga
magulang. Palipat-lipat kami ng dampa kung saan naroon ang trabaho na pwedeng
pagkakitaan ng aking amain. Dahil pangingisda lang ang tanging pinagkaka-kitaan
noon sa bayan ng Mercedes, doon nya lang kami binubuhay.
Kalbaryo din sa aking paglaki ang asawa ng kapatid ng aking
amain.. dahil sa hindi rin naman kami magkadugo, ang hirap at pang-iinsulto
niyan sa akin bilang anak sa unang asawa ng aking ina ay harap-harapan niyang
ipinakikita ng minsang tumira kami sa bahay nila dahil pinalayas kami noon sa
bahay na ibinibigay pansamantala ng mga may ari ng pangisdaan sa kanilang mga
trabahante sa bangka. Tuwing wala ang aking ina at amain, tanging kami lang ng
kapatid ko ang andon sa bahay nya, walang oras na hindi nila kami sinasaktan at
kulang na lang ay patayin siguro. Sa murang isipan, takot akong magsumbong noon
sa aking ina dahil hindi ko alam ang pwdenng mangyari. Kinimkim ko ang lahat ng
takot na mag-isa at binabantayan ko na lang ang aking kapatid na maliit na
kapag naririnig na umiiyak ay siya namang sinasaktan. Lahat ng iyon ay nanatiling
lihim kahit ang hirap na aking naranasan ng minsang mahuli niya ako sa tindahan
nya na kumuha ng pagkain dahil sa sobrang gutom noon at saksakan sa bibig ng
isang coin na halos muntik ko ng ikamatay sa hirap ng paghinga dahil muntik ko
ng malulon. Doon
ako natakot at nanatiling tiniis ang pahirap na iyon kasama ng sa aking mga
kapatid kapag wala ang aming mga magulang. Ng mga panahong iyo, halos mag
tatatlong taon palang ang pangalawa kung kapatid at awang-awa ako sa sitwasyong
iyon na aming kinasadlakan. Wala ako magawa kundi ang magtiis na lang at
panatilihing lihim ang lahat hanggang sa makakuha kami ng malilipatan bahay at
makatakas sa impyernong lugar na iyon kasama ang asawa ng kapatid ng aking
amain at ampon nilang anak na di ko alam kung saan din nagmula ang
kamaldituhan.
Kaybilis ng panahon, ang isa ay nagging dalawa, tatlo, apat, lima
hanggang sa maramdaman ko na lang na magtatapos na pala ako sa elementarya.
Subalit ang katuwaang nararamdaman ko ay nahaluan ng pait at lungkot na marinig
ko ang magagandang plano
ng aking mga kamag-aral hinggil sa mga papasukan nilang sekondarya.. ang tanong
na kaytagal ko ng itinatago sa aking sarili kung makakatuntong pa nga ba ako sa
sekondarya ay unti-unting limilinaw sa akin na mukhang napaka-imposible nga
talaga. Nang mga panahong iyon, nag-iisa lang ang government school noon sa
aming probinsiya subalit hirap makapasok dahil tanging may talino lang ang
nakakapasok doon at lahat ng di pumapasa sa entrance exam ay napupunta sa
pribadong school at kung mamalasin, hindi na papasok ang mga bata at namumuhay
na lang bilang mangingisda dahil marami sa kanila ang walang kakayahang
pag-aralin ng mga magulang or mas tamang sabihin siguro na kayang pag-aralin
subalit walang tyaga at nanghihinayang din sa perang itutustos sa kanilang mga
anak para makatapos.
Kinalimutan ko ang aking pangarap na maging doctor ng mga panahong
iyon at tinangap sa aking sarili na marahil pansamantala nga siguro akong
matitigil subalit andon ang pag-asang balang araw ay makakapasok din ako sa
sekondarya. Simple lang naman ang okasyon para sa akin ng aking gradwasyon…
tulad ng aking inaasahan, ibang tao rin ang aking nakasama sa pag-akyat ko sa
intablado. Hindi ko rin ramdam ang kasiyahan ng mga panahong iyon ng buong-buo,
subalit alam ko na may dahilan ang lahat kaya kailangan kung tanggapin at
harapin ano man ang mga ito.
Gabi na ng makauwi kami sa bahay noon. Matapos magbihis, kumain at saka natulog. Tapos na ang isang chapter ng aking buhay mag-aaral. Nang mga panahong iyon, kakasilang pa lang din ng aking pangatlong kapatid na babae. Sa isip ko, dagdag responsabililidad na nman para sa akin na may isang bata na naman akong aalagaan.
Pasukan na naman, tuwing nakikita ko ang mga batang pumapasok sa
sekondarya, naiisip ko ang kalagayan ko at totoong naiingit ako sa kanila.
Iniisp ko kung paano ako makakapag-aral muli at makakamtan ang mga pangarap ko
sa buhay na kung titingan ko ang aming buhay ay sadyang napaka-imposible
talaga.
Subalit hindi ako nawalan ng pag-asa.. ramdam ko na may darating
na panahon para sa akin upang muling makapasok sa sekondarya.
Umiikot ang buhay ko sa pag-aalaga sa sa dalawa kung kapatid noon
habang umaasang sana’y dumating na ang pagkakataong hinihintay ko at hindi nga
ako nagkamali…
Isang araw, habang nasa dagat ako at nagmamasid ng mga batang
naliligo, nilapitan ako ng isang batang hindi ko naman masyadong kalaro at
kalapit. Bakasyon ulit noon at alam nya na may schedule ng entrance exam sa
pampublikong paaralan noon sa aming probinsiya. Niyaya nya ako noon at plinano
naming ang lahat na lingid sa aking mga magulang. Dahil may konting barya ako
noon na naitago, siya kung ginamit ang munting salapi na iyon upang mabayaran
ang konting halaga na bayarin sa school upang makapag-exam.
Nilakad naming ang paaralan kahit malayo at nakakuha ng schedule
kung kailan ang pagsusulit. Ngunit dahil sa hindi alam ng aking mga magulang
ang plano ko na makapasok muli sa sekondarya, hindi ko sinabi sa kanila kung
saan ako naggaling maghapon dahil tyak magagalit sila. Ang resulta, pananakit
na naman sa aking katawan ang aking nakuha. Pero mas higit kung inisip ang
makapasok kumpara sa sakit na nararamdaman ko dahil sa paglilihim ko sa kanila.
Dumating ang araw ng pagsusulit. Nang mga oras na iyon, walang
patid ang aking dalangin na sana’y maipasa ko ang pagsusulit na iyon at
makapagsimula ng bagong buhay sa sekondarya. Hindi ko iniisip ang hirap na
dadanasin ko kung sakaling makapasa ako. Sabi ko, saka na ang darating na araw.
Ang mahalaga ay ang ngayon. Natapos ang pagsusulit at umuwi na kami ng bahay.
Lihim parin ang pagalis ko na iyon sa amin kaya naman, inaasahan ko na naman
ang galit ng aking ina.
May 7, 1997- ang buwan, petsa at taon na di ko makakalimutan.
Lumabas ang resulta ng pagsusulit at isa ako sa mga pinalad na makapasa sa
napakahirap na pagsusulit na iyon. Sa wakes, makakapagsimula na ako. Umuwi ako
ng masaya at positibo. Bahala na, sasabihin ko sa aking ina na kumuha aq ng
pagsusulit sa sekondarya at pinalad na makapasa. Nang mga oras na iyon, abala ang nanay ko sa
pag mamanikyur sa isang kumara nya. Ibinalita ko
sa kanya ang magandang resulta ng aking pagsusulit. Inaasahan ko na di siya
matutuwa ngunit kailangan kung maging positibo na ipakita sa kanya na kailangan
kung mag-aral. Sa kabila ng pagtutol nya at pag sasabing gastos lang yan at di
rin naman daw ako makaktapos, nagpipilit parin ako na ipaliwanag sa kanya ang
gusto ko. Salamat sa kumara nya na tumulong sa akin na ipaliwanag ang gusto ko
habang nakikinig sa mga argumento naming mag-ina. Sa bandang huli, nangako
siyang isasangla nya ang isang alahas nya para maka-enrol ako dahil wala naman
siyang pera. Alam ko na hindi bukal sa loob nya ang gagawin dahil ramdam ko na
mahalaga sa kanya ang bawat gintong nakalagay sa katawan nya na nakuha nyan pa
sa pagiipon mabili lang ang gusto. Ewan ko ba, minsan ramdam ko na naiingit pa
ako sa mga alahas ng nanay ko dahil sila ay napag-iipunan nya samantalang ang
pag-aaral ko hindi nya magawa.
Sa wakas, naka pag-enrol din ako. Tulad ng inaasahan ko, hanggang
enrolment lang ang sinagot ng nanay ko. Nalaman ng aking amain ang bagay na
itinago ko hinggil sa aking pag-aaral at sa huli wala rin siya magawa sa kabila
ng mga argumento. Kesyo nagsasayang lang daw ng oras, pera at pagod dahil di
rin naman daw makakatapos. Problema ko ang mga gamit sa school tulad ng
notebook, ballpen, bag at iba pa. Upang matugunan ko ang pangangailangan sa
bagay na iyon, minabuti kung maghanap ng mga junk notebook na pwde pa mula sa
aking mga pinsan hanggang sa makaipon ako ng sapat na notebook para sa
lahat na aralin. Wala rin akong polong isusuot, black pants at sapatos ng mga
panahong iyon. Dahil sa may anak ang tiyahin kong nag-aaral sa school na
papasukan ko, minabuti kung magtanong kung meron siyang pinaglumaang uniforme.
Sa kabutihang palad, nabigyan naman ako ng isang lumang pares. Sobrang laki ito
kumpara sa patpating kung katawan noon subalit pinagtyagaan kung suotin sa
kabigla ng katawa-tawa kung itsura habang suot ko ang pinaglumaan uniformeng
ito. Ang sapatos na gamit ko ng mga panahong iyon ay sobrang laki rin kumpara
sa liit ng mga paa ko kaya naman kailangan siksikan ng papel para kumasya sa
akin. Nakita ko ang malaking pagkakaiba ko sa aking mga kamag-aral habang akoy
pumasok. Ang aking kakulangan sa lahat ng bagay ay damang-dama ko at sadyang
napakaling agwat kumpara sa kung ano ang meron sila. Ingit na ingit ako at
nanagrap na sana,
dumating ang panahon na magkaroon ako ng mga iyon.
Akala ko ganon lang kadali ang pag-akyat ko sa aking mga pangarap.
Dama ko ang hirap at sobrang pagtitiis sa lahat ng bagay. Pumapasok akong halos
walang laman ang tyan kundi kape lang. Naglalakad papunta sa eskwelahan
makapasok lamang. Pagka-minsan naman ay binibigyan ako ng aking ina ng dalawang
piso noon kapag may kustomer na nagpalinis ng mga kamay at paa sa kanya. Ang
bagay na ito ang siyang iniipon ko at ginagamit kapag may mga proyekto. Hirap
akong makihalubilo sa aking mga kamag-aral dahil dama ko ang pangliliit ko sa
aking sarili. Subalit hindi ako nagpatalo sa aking mga insecurity. Nagpatuloy
ako sa aking karera at inuubos ang oras sa silid aklatan kung bakante rin lang
naman ang oras. Tanggap ko na hindi ako ganon katalino at may taglay rin akong
kahinaan sa ilang asignatura tulad ng matematika. Alam ko ang hirap at pasakit
na tinatangap ko sa araw ng pagsusulit kapag ito na ang pag-uusapan. Subalit
nagsikap ako na matutunan ang lahat kahit simpleng komputasyon lang.
Nasa unag taon palang ako ng hayskul subalit parang sinusubok ang
aking katatagan sa mga panahong iyon. Isang malakas na bagyo ang tumama sa probinsiya ng
kabikolan. November 1, 1995 nang maganap ang
isang pangyayari na di naming inaasahang lahat. Ang pagdating ng bagyong Rosing
na sumalanta sa aming lalawigan.
Buong akala ko ay katapusan ko ng mga mga sandaling iyon habang
tumatajas kami sa lupit ng bagyong iyon sa gitna ng rumaragasang baha at lakas
ng hangin. Nang mga panahong iyon, nasa tabing dagat ang aming payak na bahay.
Sa lakas ng hangin, minabuting umalis ng aking ina kasama ng aking 3
nakababatang kapatid sa lugar na iyon dahil sa lupit ng panahon. Ang pag-iisip
kung paano maging ligtas ang lahat kasama ng aming ilang ari-arian, minabuti ng
aking amain na magpa-iwan kasama ako sa aming bahay.
Subalit, isang pagkakamali ang aming nagawa na siyang dahilan
upang muntik nang ikasawi ng aming mga buhay. Isang malakas na hangin at storm
surge ang siyang sumira sa dingding ng aming likuran, at doon kita ko ang lahat
habang nilalamon ang maraming kabahayan papunta sa karagatan. Sumigaw ako ng
tulong habang nakakapit sa isang sanga ng puno upang hindi madala ng
rumaragasang agos ng tubig papunta sa kalaliman. Kanya-kanya na kaming ligtas
sa aming mga buhay sa mga oras na iyon.
Ang takot ay aking inalis sa aking isip at sa halip taos
pusong humingi ng tulong sa diyos upang makaalis ako sa sitwasyong iyon at
maging ligtas papunta sa mataas na lugar. Pinilit kung akyatin ang taas ng puno
at kumapit sa ilang bahagi nito papunta sa ilang puno na katabi ng punong
kinakapitan ko sa kabila ng lakas ng hangin.
Nagtagumpay na makarating sa ligtas na lugar at naiwasan ang
kamatayan sa kabila ng hirap. Isang lalaki ang nag-alok sa akin ng tulong
ng Makita ang aking basing kalagayan sa kanyang tahanan ng lumabas siya sa
upang silipin ang kalagayan sa labas. Nakita ko ang ilang pamilya na
nakikisilong din sa kanila. Pawang mga basa at halos lamig-lamig na lamig din
tulad ko. Wala na akong balita sa akong amain sa mga oras na iyon at umaga na
kami nagkita-kita. Nabalitaan rin ng aking ina na ligtas ako ng mga oras na
iyon. Umaga na rin nang Makita ko ang eksena sa labas dulot ng bagyong rosing.
Marami ang nag-iiyakan dahil sa kanilang kabuhayang nawala. Ang ilan kasama na
kami ay nag-isip kung paano muling magsisimula sa buhay. Subalit mas
nakakalungkot pagmasdan ang mga taong nawalan ng mahal sa buhay at ang ilan ay
di pa rin matagpuan kung nasaan.
Ahh.. sadyang kayhirap isipin.. Kahit ako ay di ko alam kung ano
ang buhay na naghihintay sa akin sa mga darating na araw. Nawala sa isip ko ang
pag-aaral. Ang alam ko lang, kailangan kung ayusin ang lahat at tulungan ang
aking pamilya na magkaroon ng makakain sa mga oras na iyon.
Tumira muna kami pansumandali sa bahay ng kapatid ng aking amain.
Tinangap naman kami subalit alam ko na napapaharap na naman kaming magkakapatid
sa hirap dahil ang pamilyang iniiwasan namin ay siya uling kukpkup sa aming
magkakapatid habang wala pang katiyakan kung saan kami sisilong habang walang
bahay.
Di naman kami nagtagal sa bahay na yon dahil alam ko na ramdam din
ng aking ina kung ano ang nangyayari sa amin habang wala sila sa bahay nang
kapatid ng amain ko at kami ay naiiwan doon. Pagkalipas ng limang araw,
nakakuha naman ang aking mga magulang nang bahay na mauupahan pansamantala.
Dumating ang araw ng pasukan, nagulat ang aking mga magulang ng
malamang ako’y muling papasok sa eskwelahan. Nang panahon na iyon, sinabi
nilang wag na akong pumasok at manatili na lang sa bahay at bantayan ang aking
mga kapatid. Subalit nanatili ang aking desisisyong ipagpatuloy ang lahat ng
aking sinimulan.
Sa paaralan, nalaman ko ang pagbabago sa aming mga eskedyul na
pasok dahil sa ilang classroom na nasira. Kailangan naming pumasok ng ala-sais
ng umaga at uuwi ng ala-una ng hapon. Sa sitwasyon ko, alam ko na mahirap ang lahat sakin. Una,
dahil malayo ako sa school at di ako hadang iwan ang ilang responsabilidad sa
aking mga kapatid na asikasuhin sila habang papasok rin sila sa elementarya.
Minabuti kung ipaliwanag sa aking magulang ang bagong eskedyul ko sa paaralan
at ako’y nagpapasalamat na di naman ako nahirapang makuha ang sagot sa kanila.
Dahil sa bagong eskedyul na yon, kailangan
kung gumising ng alas tress ng umaga at maghanda para sa pagpasok araw-araw.
Dahil sa pagbabagong iyon, naranasan kung pumasok ng palaging gutom at umuwi
nang gutom na gutom. Ang lahat ng ito’y napagtiisan ko habang matapos ang unang
taon ko sa Hayskul.
Bakasyon, dahil alam ko na di ako bibigyan ng
aking magulang nang pang-enrol, sa edad na 15 kahit patpatin, nagtrabaho ako
bilang isang boy sa sentro ng aming lalawigan sa sweldong 500 isang buwan. Sa
simula ay ayaw akong tangapin ng may-ari dahil sa akoy maliit na bata at wala
pa sa tamang edad. Subalit dahil sa pakiusap ng kumara ng aking ina ay
napilitan din silang tangapin ako. Di ko talaga makalimutan ang kumara ng aking
ina dahil siya ang gumawa ng paraan noong unang taon ko sa hayskul at maging sa
ikalawang taon, siya parin ang tumulong sa akin.
Matagumpay kung nairaos ang aking ikalawang
taon at patuloy na nagsisikap na makaraos sa kabila ng kakulangan ko sa bagay.
Nasa ikatlong taon na ako ng aking pag-aaral sa hayskul ng isang insidente ang
maganap sa pagitan ko at aking amain. Nagtalo kami sa isang bagay hinggil sa
pagsunod ko sa kanyang iniuutos na hindi nya nagustuhan ng di ko magawa ng
ayos. Ang resulta, pinalalayas niya ako sa aming bahay. Nalaman ito ng
aking ina at nag-away silang dalawa dahil sa akin. Itinapon ng aking
amain ang lahat ng aming damit sa labas ng bahay at itinaboy kami palabas
habang pinapanood ng ilang kapit-bahay ang eksenang iyon sa kalagitnaan ng
tanghali.
Nang mga panahong iyon, sinisimulan ng aking mga magulang na
maitayo ang aming dampa sa tabi ng dagat. Doon
kami pansamantalang tumuloy at nagpalipas ng gabi. Ramdam ko ang awa sa aking
mga kapatid dahil iniwan naming sila doon sa kanilang ama na wala naming alam
kung paano alagaan ang mga kapatid ko dahil sa istilo ng pamumuhay nya na sa
kabila ng may pamilya ei di man lang nag-aabalang alagaan ang mga anak nya at
masaya pang kasama ang mga barkada at kumpare niya.
Dahil sa panyayaring iyo, naranasan kung alimurain ng aling mga
kamag-anak at sinisi dahil sa nangyari aking magulang. Tinangap ko ang lahat ng
masasakit na salita buhat sa kanila at patuloy na nagsikap para sa aking
pag-aaral. Subalit ang lahat ay di naging matagumpay. Naapektuhan ang aking
pag-aaral dahil sa paghihiwalay nila. Labis akong naawa sa aking mga kapatid na
napapabayaan sa kalsada at kung minsan ay di nakakakain ng maayos kahit may
kakainin dahil walang nagluluto. Ang aming bunso na sa tuwing nakikita at
humahabol sa aking ina habang nagtitinda ng mga special offer sa kalsada ay
labis na nagbibigay sa akin ng sakit dahil kailangang iwan namin siya para
mabuhay sa edad na tatlong taon lang. Ang kanyang iyak ang nagbigay sa akin
hirap ng kalooban kung bakit di ko matiis na bantayan siya at aliwin at di
pumasok sa eskwela kung kinakailangan habang wala kanilang ama at nasa school
ang aking ibang kapatid para mag-aral at ang aking ina ay nakikipagsapalarang
mag benta ng mga pabango sa kabundukan para magkapera.
Natapos ang ikatlong taon ko sa hayskul na may bagsak na isang
asignatura, at yon ang matematika. Dito nagsimula ang panibagong hamon ng sa
aking buhay.. Ahh.! sinong-mag-aakalang ganito ako kabubuo sa asignaturang
ito... Dahil sa pangyayaring ito, naputol ang aking buhay sa Camarines Norte
State College- Mercedes Campus. Hindi na ako tinagap bilang estudyante
nila.. Masakit subalit kailangan kung mamili ng panibagong institusyon na
huhubog ng aking isipan.. Nang mga panahong iyon, bukod tanging ang Hereos
Memorial College ang tumatangap ng mga estudyanteng may bagsak na asignatura..
Mailalarawan ang school na ito na isa sa pinaka pangit na school noong 1998.
Ang dating prestihiyosong institusyon na humubog ng maraming professional
na tao sa Camarines Norte noong mga dekada otsyenta ay nawalang parang bula
dahil sa mapait na kwentong bumalot dito hanggang sa tuluyang bumagsak ang
magandang imahe nito patungo sa isang basurang walang pakinabang.. Kung
sakaling may sapat na pera cguro ako para mag-eenrol sa institusyong ito,
marahil dito ko pipilling magtapos ng huling taon sa sekondarya. Pero sa
kasamaang palad, ni kahit isang sentimo ay wala akong maipapang-enrol sa
pribadong institusyon na na ito..
Ang San Roque Integrated School (San Roque National High School
ngayon) ay isa rin sa kilalang bagsakan ng mga estudyanteng may masamang ugali,
grado at delikwente at lugar kung saan nabubuo ang mga tinatawag na
gangsta...Institusyong kinakahiya kung pasukan dahil bukod sa walang pangalan,
hindi ko rin matangap na dito ako magtatapos ng huling taon ko sa sekondarya.
Subalit wala akong magawa.. kailangan kung tapusin ang lahat ng aking
nasimulan... Ahh...tadhana nga bang matatawag o sadyang mapaglaro lang ang
buhay...? Pasukan.., umpisa ng panibagong pakikisama, bagong kaklase, kaibigan
at mga guro...
Unang araw, unang pakikisalamuha.. Masaya rin ng konti dahil nakita ko rin ang mga dati kung kaklase sa CNSC-Mercedes na dito nagsisipag-aral.. Dante Avellaneda, Jeremy Cabusas, Sheryl, Eugene Pardo at kung sino-sino pa.. Mga taong naihanay ko bilang isang sandigan sa panibago pakikisalamuha sa institusyong ito..Masaya rin kahit paano ang unang mga linggo ko sa San Roque Integrated School..
Naging masalimoot ang naging buhay ko sa San Roque Integrated School.May ilang kontrobersya rin na di malilimutan tulad ng pagkakasangkot ng aking guro sa isang iskando, ang aming madalas na paglalakwatsa sa oras ng klase habang nanonood ng mga x-rated na palabas, inuman, droga,(Tikim-tikim ba..) at ang madalas na paghahanap ng away sa bawat sulok ng kanto kasama ang mga tropa ng HBG.. (Hard Boil Gansta) hanggang sa ipatawag kami sa Principal office..Napasama ako sa lahat ng uri ng kalukuhan pero ni minsan, di ko inalis ang lahat ng mga paraan upang maisabay ko ang pag-aaral. Kailangan kung makisabay sa agos ng buhay habang naririto ako sa institusyong sinasabi nilang bagsakan ng mga bagsak.. Pero ang katotohanan, maraming bagay ang di nila alam sa loob ng SRIS.. Mga pangit na imahe lang ang kanilang nakikita subalit ang nasa loob na karamdadaman ng maraming estudyate dito ay di nila napapansin... Ahhh.. saan nga ba nagsimula ang pangit na paghusga sa SRIS?
Ito ang totoong kwento sa loob ng San Roque Ingrated School...Dito ako hinubog at masasabi kung, dito ako naging ganap na tao. Dito ko natutunang harapin ang lahat ng problema sa buhay.. Mula sa simpleng pagharap sa pangongotya ng tao hanggang sa pagyurak sa mga pangarap mo at tawagin kang kalapating mataas ang lipad ay dito nagsimula..
Umpisahan ko ang paglalahad kung paano naging masalimoot ang huling yugto ng aking hayskul life sa San Roque Integrated School..
Buwan ng hunyo taong 1998. Unang buwan ng pagsisimula sa klase. Dahil bago ako sa institusyong ito, di ko alam kung saan at paano ako magsisimula ng lahat. Bagong ka-klase, kapaligiran, guro at silid aralan na di ko pa napapasok kailan man. Ramdam ko ang takot sa unag araw na yon. Una, dahil di ko alam ang ikikilos ko dahil halos ang mga mag-aaral doon ay magkakakilala na. Bagamat masasabi kung may mangilan-ngilan akong kilala, hindi panatag ang aking loob sa malaking pagbabagong iyon sa aking sarili dahil mas nakasanayan ko ang lumang institusyong pinangalingan ko.
Sa mga unang araw, labis akong nangapa sa aking mga kaklse.. dito ko na rin naransan ang ma "BULLY" ng husto... Dahil sa hindi ako ganon kadaling naka adjust sa kapaligiran, natutunan kong ihiwalay ang aking sarili sa aking mga kaklase. naging sentro ako ng usap-usapan ano pat' naging daan iyon upang maging tampulan ako ng tukso dagdag pa ang di ko matangap na sitwasyon at pangyayari sa akin dahil namimis ko ang mga dati kung kakilala sa CNSC.. Halos gusto ko nga bumitaw at huwag ng ipagpatuloy ang lahat ng aking sinimulang laban.. Ang lungkot-lungkot ko ng mga panahong iyo.. pakiramdam ko, wala akong kakampi.. Nag-iisa ako.. walang karamay.. Mas madalas akong umiiyak dahil sa mga kasiphayuan sa buhay.
Naisip kung sumuko na lang at huminto sa pag-aaral dahil sa mga
pangyayari na aking nararanasan sa school dagdag pa ang problema na aking
kinasadlakan sa bahay. Subalit, sa tuwing naiisip ko ang pang-lalait ng ibang
tao na wala akong mararating sa buhay, mas naisip kung ipagpatuloy ang laban at
tapusin ang huling yugto ng high School ko sa San Roque, integrated School.
Para masabayan ko ang buhay sa loob ng school na aking
kinabibilangan noon, inabuti kung sabayan ang hilig ng mga barumbado kung
kaklase. Natutunan kung makibagay at sumama sa mga kaguluhan at delengkwente
nilang gawain sa loob ng school. Vandal doon,
vandal dito at kung ano ano pang paninira sa gamit ng institusyon ang aming ginawa. Cutting
class ang paborito naming Gawain noon. Hindi kami pumapasok at kalimitan nasa
likod din kami ng school upang pagsaluhan naman ang isang boteng Gin habang
nagtatawanan. Ganon umikot an gaming buhay sa araw-araw. Subalit, may isang
lihim sa aming buhay ang hindi alam ng karamihan sa aming mga guro noon pati na
ang ilang mga kaklase..
Sa kabila ng katarantaduhan na aming ginagawa noon sa school, mas
napatibay naming ang aming samahan at naibahagi ang mga problema sa isat-isa
kung bakit kami nasadlak sa institusyon na ito na bagsakan ng mga bagsak na
estudyante galing sa mga kilalang school sa aming bayan. Gumawa kami way, paano
namin mas higit na mapabuti ang aming samahan na kahit iba ang tingin sa amin
noon, mas pinili naming ayusin ang lahat at magkaroon ng direksyon at tangapin
ang lahat na andito na kami sa school na ito at mas tamang tapusin na na lang naming
ang natitiang huling taon sa buhay high school naming. Mas tumibay ang aming samahan
at binago ang aming pag-uugali ng mga matyatyagang guro namin sa SRIS at
tinulungan tahakin ang landas sa mas maganda pang layunin. Dahil sa mga payo
nila, mas naging productive kaming indibidwal at mas naging kapaki-pakinabang ang ang bawat araw namin sa
school at sa ilang mga Gawain may kaugnayan sa pagpapaganda sa pangit na imahe ng
aming institusyon na mas Kilalang mas mahusay at isa nang tinitingalang school
ngayon sa Camarines Norte.
Nairaos ko ang huling taon sa High school at alam ko na sa
pagtatapos ko sa huling taon na yon, isang madilim na daan ulit ang naghihintay
sa akin. Habang ang nag-uusap ang mga kaklase ko noon sa kanilang mga plano sa
College at pagkuha ng mga gusto nilang kurso, AKO, mas pinili kung mag-isa na
malayo sa kanila at wag marinig ang mga plano na alam kung hindi mangyayari sa
akin kahit mag-plano pa ako na makakapsok ako sa kolihiyo at maka-pag patuloy
ng pag-aaral sa kursong gusto ko.
Tulad ng aking inaasahan, wala ngang dahilan upang akoy matulungan
ng aking mga magulang na tumuntong sa College. Anila, nakatapos na ako ng high
school at sapat nayon at tumulong na lang sa gawaing bahay. Wala akong nagawa
kundi tangapin ang kapalarang iyon kahit pansamantala. Mas inisip ko ang mga
plano ko kung ano ang dapat kung gawin kaysa ang isipin ang mga plano nila na
akoy tumigil sa pag-aaral.
Sa pakiusap narin ng aking ina na maipasok ako ng trabaho sa
laguna sa isang tambakan ng basura na kung saan andon ang aking mga pinsan noon
na ipinasok ng isa rin kakilala n gaming kamag-anak after nila makatapos ng
Elementary noon at natigil din at mas piniling magtrabaho sa kalakan ng mga
basura.
Habang nasa kalakalan ako ng mga scrap o junk shop noon, mas
nanaig ang pagnanais kung bumalik sa pag-aaral at magtapos dahil sa nakikita
kung hirap ng mga kasama ko doon kasama na ako. Pinili ko ring pakawalan ang
lahat ng hinanakit ko sa aking ina at sa hindi nya pagsuporta sa lahat ng aking
pangarap upang makatapos. Sumulat ako sa kanya sa bicol at nagsabi na babalik
ako sa probinsya at muling mag-aaral lakip ang lahat ng mga hinanakit ko noon
mula sa aking pagkabata haggang sa aking pagtanda.. PAGTANGAP AT PAGPAPATAWAD…
yon lang ang naging daan upang mas higit akong makakilos at makapag-isip ng
maayos habang nagdarasal at humihingi ng tulong sa may-kapal at ang pagnanais
na muling Makita ang kulang sa aking buhay.. ang aking AMA..
Sa bawat gabi, hindi ko inaalis ang posibilidad na muli kaming
mag-kikita at maririnig ang kanyang boses at mayakap kahit sa huling mga sandal
ng buhay nya. Ang pangarap na Makita siya at makasama sa kahit anong paraan ay
mas tumibay at nagbigay sa akin ng lakas upang mas lalong lumaban at magpatuloy
sa laban.
Matapos ang isang taon pagbubuno sa junkshop, at makapagpaalam sa
aking ina na akoy babalik na sa probinxia, wala na rin silang nagawa pa. Ang
aking dalangin ay natupad at muling nakapasok sa College kahit napaka-imposible
ay nangyari sa isang aksidente na balita na ibinigay sa akin ng aking kakilala
na may may isang examination sa mga gusting maging scholar sa college ng
pamahalaan.
Subalit nag dalawang isip ako kung ako ba ay matatangap dahil
aniya, nasa 85 ang average ang dapat na mag-xam sa schoorship na yon. Ngunit sa
kagustuhan ko talaga na makapasok sa kolihiyo, mas pinili ko na magtanong sa
ahenxia ng PGSP office upang malaman ang buong kwalipikasyon ng mga gusting mag
take ng exam.
Ipinakita ko sa admin ang aking school card, aniya, hindi ako
makakapag take dahil hindi sapat ang akinng grade upang makapasok sa
pre-assestment noon ng mga gustong mag-exam. Nanlumo ako at lumabas ng opisina
ng PGSP.. habang akoy, naglalakad sa pasilyo noon ng kapitolyo, naririnig ko an
gang kwentuhan at tuwa ng mga aplikante na papasok. Naramdaman ko ang ingit
dahil sa walang kahirap-hirap nilang naipasa ang lahat ng mga dapat ipasa upang
kaka pag take ng scholarship.
Nagdasal ako ng taimtim at sinabi ko sa diyos na bigyan ako ng
sapat nalakas upang makayanan ko ang lahat. Alam ko, wala akong hiniling sa
diyos noon na hindi nya ibinigay. Nagtyaga akong maghintay kung kalian yon
darating subalit hindi nya ipinagdamot sa akin. Hindi ako nawalan ng pag-asa
kahit kalian sa kanya.
Habang nakaupo ako sa isang upuan ng pasilyo ng kapitolyo, may
lumapit sa aking lalaki at nagtanong kung ano ang aking ginagawa doon. Sinabi
ko na akoy nagpapahinga lang. Natandaan nya ako at sinabi na “ Ikaw yong batang
nag aaply ng scholarship grant diba?” Sumagot ako ng “opo” at sinabi ko na hindi nga ako kwalipikado
dahil sa 84.56 lang ang average ko. Kinausap nya ako at tinanong kung gaano ba
ako ako kainteresado sa exam na iyon. Kwenento ko sa kanya ang lahat at ang
pagnanais ko na makapagpatuloy ng pag-aaral sa kahit anong paraan. Napaiyak ako
sa harap nya noon pero hindi sa nag-paawa upang matangap ang aking aplikasyon.
Sa huli, pinayuhan nya ako na magsikap at maghintay lang ako ng tamang panahon
at darating din ang lahat ng mga pangarap na aking hinihintay..
Tumayo sya at nagpaalam na muling babalik sa kanyang tangapan
habang akoy nagpasalamat at tumayo na rin upang umalis sa lugar na iyon.Bumalik
ako ng bahay at muling nagpatuloy sa buhay habang tumutulong sa gawaing bahay.
Isang araw, may dumating na sulat galing sa kartero at naka
pangalan sa akin. Wala na naman akong inaasahan na taong susulat sa akin para makatangap
ng sulat na iyon. Binasasa ko ang maliit na mensahe na nagsasabi na akoy
magreport sa PPGSP upang kumpletuhin ang aking mga dokumento sa pag take ng
examination. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Mabilis akong nagayos at
pumunta sa tangapan ng PGSP at muli kung nakaharap ang taong nakausap ko noon.
Kalmado lang siya na akoy hinarap na parang hindi nya ako kilala. Kinausap nya
ako at hinihingi nya sa akin ang aking mga orihinal na dokumento. Natakot ulit
ako nang ibigay ko iyon at Makita nya ulit ang aking grade na hindi pasok sa
kwalipikasyon ng mga nagnanais mag exam. Subalit wala akong narinig sa kanya.
Kinuha nya ang aking mga papels at sabay sinabi na maghintay na lang ng sulat
upang kung kalian ang araw ng eksaminasyon. Lumabas ako sa pinto ng opisinang
iyon na nakalutang ang utak.. Umiiyak na
pala ako.. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.. Habang pababa ako ng
hagdan mula sa ikalawang palapag ng kapitolyo, hindi ko na naisip na
pinagtitinginan na ako ng mga taong nakakasalubong ko dahil umiiyak ako. Sa
labas ng kapitolyo, bigla akong napaluhod at nagpasalamat sa diyos habang
napatingin sa taas na nakangiti at sinabing “Diyos Ko, salamat sa pagkakataong
ibinibigay mo sa akin para makamit ko ang mga pangarap ko”. Tumayo ako at
naglakad sa park.. Ang gaan ng aking pakiramdam. Alam ko, iyon ang simula..
Dumating ang telegram ng pagsusulit at ang araw na hinihintay ko..
Kalmado ako habang nasa eksaminasyon. Sa pinto ng eksaminasyon room, nakita ko
siya.. ang taong kumausap sa akin noon at tumangap ng aking aplikasyon.
Nginitian nya ako at sinabi nya sa akin ang salitang GOODLUCK.. Ngumiti din ako
sa kanya at sinabing salamat sa lahat. Matapos ang araw na iyon, alam ko at
kumpyansa ako na maipapasa ko ang pagsusulit na iyo at hindi nga ako nagkamali.
Dahil sa programa ng ng PGSP ng aming bayan, naka pag simula ulit
ako ng pag-aaral sa kolihiyo..Libre yon at kumuha ako ng kursong BS-Fisheries
sa CNSC. Subalit kahit libre ang aking matrikula.. marami paring gastusan sa
school na kailangan ko hanapan ng paraan upang mairaos ko ang aking pag-aaral..
Pumasok akong Student Assistant sa College at natangap naman ako. Nakita rin ng
aking mga guro ang lahat ng pagpupursige ko na makatapos kaya sila man ay
tumulong sa akin sa financial man at sa moral support. Hindi-hindi hindi ko
sila makakalimutan lalo na ang aking kaibigang si Eugene Pardon na naglaan ng panahon
at financial na alalay kahit siya ay nag-aaral din. Dumating ang araw nang aking
pagtatapos. Wala man ang aking mga magulang sa araw na iyon upang akoy samahan
sa pagakyat sa entablado.. Naiintindihan ko na lang ang sitwasyon dahil alam ko
naman na masaya rin sila sa mga oras na iyo.
Sa gabi ng aking pag-uwi galing sa graduation, nakita ko ang
umpukan ng mga lalaking nag-iinuman. Ang aking Step-father. Tinawag nya ako,
pinaubo sa tabi nila.. kinausap at binate ng mga kumpare nya. Walang salitang
lumabas sa bibig ng aking amain.. Ako ang bumasak ng katahimikan sa aming
dalawa. Totoo, hindi maganda aming ugnayan mula pagkabata at sa aking paglaki
ng aking amain, subalit sa mga panahong nag-aaral ako, mas higit kung na
realize ang lahat ng pasakit na ginawa nya sa akin noon. Ang pag-mamalatrato na
halos ikamatay ko, ang kirot sa dibdib na mahigit isang dekada kunng tiniis at
maging ang paghahanap ng isang father figure na gusto ko Makita sa kanya. Sa
huli, mas ipinagpasamat ko ang mga bagay na iyon dahil mas tumibay ako upang
harapin ang hamon ng buhay at magpasalamat sa diyos na binigyan nya ako ng
taong magpapasakit sa akin upang mas lalong tumibay pa. Minasdan ko ang kanyang
mata.. Andon parin ang isang typical na maangas at matigas kung ste-father pero
ramdam ko na proud din xia sa akin kahit paano sa kabila ng malayo naming sa
isat-isa. Walang akong sinabi kundi pasasalamat sa kanya sa lahat ng pasakit.
Tinangal ko ang hinanakit sa puso at umiyak sa harap nya habang sinasabi ko
yon. Sabay yakap sa unang pagkakataon na unang ginawa ko sa buong buhay ko.
Lahat ng hirap at galit.. naubos bigla.. ang gaan sa pakiramdam… Tapos na ang
kabanata ko sa pag-aral at muli haharapan sa bagong hamon ng buhay.
Nagpasya akong maghanap ng trabaho sa Cavite. Pinalad naman sa
isang factory noon sa EPZA. Hindi rin nagtangal dahil natapos din after 5
months. Ganon ang lagging routine ng aking work.Contractual palagi. Nagtiis ako at palaging nagdarasal na sana makakuha
ako ng stable na trabaho. Nang mga panahon na iyon, nagaaral kasi ang aking
pangalawang kapatid na si Philip. Alam kung inasahan din nya.. suballit wala
ako magawa para tulungan din xia. Buong akala ko, kapag nakatapos ka na, okey
na.. marami ka paring pagdadaanang hirap bago mo matupad ang lahat.. Sa panahon
na akoy nag-tatrabaho, hindi nawala sa isip ko ang paghahanap ko sa aking ama.
Gumamit ako ng social media at kung ano ano pang way upang mahanap siya,
subalit ako’y bigo kahit may ilang lead na naibibigay sa akin gang ilang mga
nakakakilala sa kanya. Ganon pa man hindi ako nawawalan ng pag-asa na mahanap
siya at Makita. At kahit may sarili na akong pamilya at may matatag ng trabaho
sa isang kilalang kumpanya under ng SM Group of Companies at naka base sa 2GO
Group Inc sa Taguig bilang isang Unit Leader, kalian man hindi nawala sa aking
isip at puso ang paghahanap ko sa nawawalang kapiraso ng aking pagkatao…. ANG
AKING AMA.
Wala na akong mahihiling pa kundi ang Makita ang aking ama sa
huling sandali ng buhay nya.. Ang matagal kung dalangin na sanay Makita siya
ang siyang bubuo ng aking pagkatao na matagal ko ng ipinagdarasal sa kanya..
At alam ko na darating ang panahon na iyo na kung gaano ako
naghintay at nagtitiis na matangap ang lahat ng biyayang hiniling ko sa kanya
noon na ibinigay nya, alam ko na may tamang panahon din upang matangap ko ang
kahilingan ko na muling Makita ang tatay ko..
At ito ang kwento ng aking pagkatao at ang paglalakabay sa mundong
puno ng pakikipagsapalaran subalit palaging umaasang nasa tabi lang ang poong
may kapal upang akoy alalayan LAKIP ANG PAGPAPATAWAD SA MGA TAONG NASAKTAN AT
AKO’Y SINAKTAN.
Ano man ang lakbayin na aking tatahakin, palagi akong positibong
nakatingin sa direksyon na ibinigay ng diyos sa akin..
Mizael A. Boquid a.ka. Mike Farmers
STORY SIGN-OFF - 2008
"WHEN YOU BELIEVED..." A song to remember..