Mga Pahina

Sabado, Nobyembre 2, 2013

My Diary

Masarap balikan ang mga araw na lumipas lalo na kung alam mo na may hatid itong pag-asa sa buhay na patuloy na aandap-andap...Minsan, mahirap iisipin bakit nga ba sadyang may mga taong hindi marunong makaunawa sa buhay na tinatahak ng ilan.. Siguro sadya nga lang may mga taong mahirap maka-intindi sa sitwasyong hindi nila tinahak o naranasan kaya ang mababaw na kaisipan ay sadyang nakaibabaw na sa kanilang mga utak... Ito ang simula ng kwentong iwan ko kung saan hahantong ang wakas.. Pero isa lang ang alam ko dapat na mangyari... Magiging makabuluhan kung ano man ang paglalakbay na tatahakin ng mga tauhan sa kwento.. 

ANG MAGING MASAYA...

Ito ang simula ng kwento ng buhay na tinahak ng simpleng batang nangarap na mabago ang simpleng buhay na kinagisnan nya...

Sa paglipas ng maraming taon, nakita ko ang isang panahon na hindi-hindi ko  makakalimutan. Dumaan man ang tag-lagas, tag-ulan at tag-init, hindi parin mabura ang mga alaalang nakabaon sa mga panahong nakalipas tuwing pagmamasdan ko  ang mga bagay na aking nakikita sa harapan. Mga kabataang nagpipilit maabot ang kanilang mga pangarap at handang makibaka upang makamit ang hinahangad sa buhay patungo sa buhay na alam nilang bong-buo na makukuha nila ang langit na pinapangarap. Maraming nakakapagtiis at handang isakripisyo ang lahat ng lakas kahit na dignididad maabot lang ang kanilang mga pangarap. Marahil sa mundong ito, kailangan mung maging matapang sa lahat ng laban upang maging matagumpay ka sa  larangan na iyong pinapangrap upang sa huli ikaw ang tanghaling matatag at matagumpay sa lahat ng laban. Marahil, kung hindi ko tinangap sa aking sarili na ang lahat ng mga bagay may kaugnayan sa pakikibaka sa buhay ay mahirap, at puno ng problema ay hindi ko mararating ang lahat ng mga bagay na meron ako ngayon. Sadyang mahirap makibaka, subalit ang lahat ay may hangganan. Ang pagtitis at sakripisyo ay may kapalit na sa huli mo lang makukuha. Maraming balakid, subalit kung handang magtiis at magsakripisyo para sa laban ng buhay ay may makakamtang biyaya na kahit sa pangarap ay hindi mo inaasahan. Nasa tao kung ibig niyang marating lahat ng mga nais niya na walang pagdududa sa kaniyang sariling kakayahan. Tiwala sa sarili at pagsisikap na walang kapantay ang kailangan upang maging matagumapay sa laban ng buhay. Gaano man kahirap, gaano man karaming balakid o handlang kung para sa ikagaganda ng buhay, kailangan mong harapin upang masabi mong ang tagumpay na iyong narating ay totoong pinagsikapan at nakuha sa tamang paraan. Tototo, hindi ganon kadali para sa isang walang katuwang sa buhay na maabot ang lahat ng mga pangarap. Subalit kung positibong iisipiin na ang lakas na mayroon ang isang taong nag pupursigi at nag-iisip na may patotongohan,  ang lahat ng laban ay may makakamtang gantimpala sa kanyang tagumpay.
Taong 1979, buwan ng Oktobre pinakasalan ng aking ama ang aking ina. Limang buwan na ako noon sa sinapupunan nya ayon sa istadistikang aking nakita bago pa man ako makatapos ng pag-aaral at matuklasan sa huli na buntis na siya bago pa man sila mag-sama ng legal. Makalipas ang dalawang buwang kasal, nagpaalam ang aking ama na makikipagsapalaran sa maynila upang maghanap ng isang trabaho. Noon, isang payak na pamumuhay lamang mayroon ang pamilyang kinalkhan ng aking ama sa bayan ng Mindoro. Marami silang magka-kapatid na ibat-iba ang ina. Ayon sa kwento, walang malapit na pamilya ang aking ama at patay na ang kanyang ina bago pa man sila ikasal ng aking ina. Labing siyam na taon noon ang aking ama at mag lalabing walong taon naman ang aking ina. Walang hanapbuhay ang aking ama at ganon din ang aking ina. Sa murang gulang na pag-aasawa, maraming dahilan upang hindi nila matugunan ang pangangailangan ng isang isang binuong pamilya na pilit sa hinog lamang. Ikinasal sila at nagsama sa ikli ng panahon dahil sa udyok ng pamilya at mga kaibigan. Dahil sa hirap at walang patutunguhang pagsasama, kawalan ng maayos na tranaho, seguridad sa tahanan at iba pa, napilitan ang aking ama na lumuwas at tuluyang iwanan ang aking ina kasama ako na walang malay sa sinapupunan niya. Subalit ang pinaka masaklap, iyon na pala ang huling pag-uusap at pagkikita nila ng aking ama.
Lumipas ang ilang araw, buwan hanggang sa ako’y ipanganak, walang sulat o telegramang dumating sa aking ina na nagsasabing pinalad ang aking ama sa lugar na pinuntahan niya at kami’y balikan sa probinsyang pinag-iwanan niya.
Dahil sa pangyayaring iyon, labis na sama ng loob ang dinanas ng aking ina habang ako’y kasama niya. Sa tuwing pagmamasdan niya ang patpating bata na isinilang niya, hindi niya lubos maisip kung anong buhay ang hinaharap nito pagdating ng panahon.
Matapos akong isilang, kalbaryo naman ang dinanas ng aking ina sa kamay ng sarili niyang pamilya. Marahil, hindi niya lubos maisip na ang taong siyang magiging sandalan niya sa mga panahon na lugmok siya sa problema ay siya paring maglalagay sa kanya sa pedestal ng kahirapan sa buhay.
Mula sa mga simpleng gamit na naipon buhat sa isang simpleng kasalan ay kinuha nila at ibenenta kapalit ng pagkupkop sa aming mag-ina. Hindi pa dito nagtapos ang lahat, pati dignidad ng aking ama ay kanilang hinuburan sa paningin ng aking ina. Ang Pag aalimpusta, paghamak sa aminng dalawa nang mga panahong iyon ay walang kasing sakit sa isipan ng aking ina at marahil iyon ang nagtulak sa kaniya upang magising siya sa katotohanang walang dahilan para siya lubusang umasa sa sariling kadugo at pamilya.
Nang mga panahongn iyon, tanging ang aking lola ang siyang kaagapay ng aking ina sa lahat ng problema. Palibhasa bunsong anak siya ng aking agwela, siya ang gumabay sa aming mag-ina upang harapin ang laban ng buhay. Napilitang mag trabaho at lumuwas ang aking ina mula sa Mindoro Orriental papuntang Batangas upang manilbihang kasambahay sa isang may kayang pamilya. Labandera, tagaluto at tagalinis ng bahay ang araw araw na rutin niya sa sweldong 10 peso kada buwan habang ako na noon ay ilang buwan pa lamang ay naiwan sa kalinga ang aking agwela.
Lumipas ang buwan at naging taon, sa paninilbihan ng aking ina sa batangas, isang aksidente ang nangyari sa kanya na muntik na niyang ikakitil ng buhay. Aksidenteng nabuhusan siya ng asido at nasunog ang kaliwa niyang braso. Ang pilat na makikita sa kaliwang bahagi ngayon ng aking ina ay isang lamat na marahil ay di maitatago sa kung anong hirap ang napag-daanan niya ng mga panahong iyon upang mabuhay lamang. Maraming kwento ang aking ina sa panahong halos inakala niyang di ako mabubuhay noon. Dalawang taon na ako subalit ang katawan ko ay isang patpating bata na halos walang sustasiyang dumadaloy sa katawan anupat kung titingan mo lang, isang hininga na lang ang nalalabi upang mabuhay sa mundo ibabaw. Subalit di siya sumuko ipang ako’y ipaglaban sa mundong ito. Mag tatatlong taon ako noon ayon sa kwento ng aking lola sa akin (Nang ako’y 10 taon na) galit na galit ang aking mga tiyahin sa akin at madalas na minamalatrato dahil mainit ang dugo nila sa akin anupat lahat ng pahirap para sa murang katawan ko ay aking naranasan. Maging ang muntik muntikang pantayin ako at itapon sa ilog na kung hindi lang daw agarang maabutan ng aking lola ang sitwasyon noon, marahil wala na silang batang aabutang buhay sa bahay na kanilang pinag-iwanan sa akin. Ang hirap na dinanas namin sa kamay ng aming mga kaanak ay sama-sama naming tinakasan kasama ang aking agwela. Bumalik kami sa lupang tinubuan ng aking ina. BICOL.. Tinambac, Camarines Sur.. Dito nagumpisang muli ang aking ina kasama ang aking lola. Marami kaming kamag-anak dito subalit, wala rin kami inasahang tulong at suporta sa kanila dahil siguro kahit sila ay salat din sa problema pagdating sa buhay. Nanirahan kami sa isang kamag-anak at pansamantalang iniwan ako sa pag-aaruga ng aking lola habang bumalik ang aking ina sa pangangamuhan sa Batangas, at naghanap ng malilipatan sa Maynila dala ng liit ng sahod.
Dahil sa murang edad, hindi imposibleng magkaroon ulit ang aking ina ng isang ka relasyon. Ang totoo, maganda ang aking ina.Hindi naman siya kataasan at katangusan ang ilong, subalit ang kutis niya na may kaputian ang nagbigay sa kanya ng isang aura na pwdeng makabihag noon sa mga kalalakihan. Subalit, ang lahat ng mga pakikipagsapalaran niya sa pag-ibig ay nauwi rin sa wala at muling naloko. Nagkaroon siya ng karelasyon noon ngunit lingid sa kanya, ang lalaking pinagkatiwalaan niya ay may roon palang isang pamilya. Umuwi siyang bigo at luhaan dala ang sangol sa kanyang sinapupunan. Hindi pa naman siya nakakaahon sa unang kabiguan at hito na naman ang pangalawang karanasan na siyang halos kumitil sa kanyang buhay. 4 na taon na ako noon at medyo mulat narin at nakikita ko ang kasaysayan ng aking ina sa gulang na iyon. Lumaki ako na isang normal na bata, subalit hindi naghahanap ng isang ama. Sa aking murang isip ng mga panahong iyon, hindi ko maintindihan ang kahalaganan ng isang ama. Nagkaisip ako at nagkamalay na tanging puro babae lamang ang nasa paligid ako. Walang lalaki at wala akong Tatay na naririnig sa aking paligid. Marahil, ito ang dahiln kung bakit, walang halaga sa akin ang salitang ama at hindi rin ako naghanap ng isang ama.
Nakamulatan ko na nakatira kami sa isang simpleng bodega. Walang ilaw, gamit at tanging higaan lamang ang makikita mo sa loob kasama ng isang niyog na natatandaan ko pa na iyon ang isang laruan na gusto gusto kung paglaruan at gawing bola. Buntis noon ang aking ina. Subalit, wala sa isip ko kung sino ang ama at ano ko ba siya kung sakaling isilang siya. Sa hapis na mukha ng aking ina at lola, nakita ko ang lahat ng pagdurusa at pag-aalala. Hindi na marahil sa akin, kundi sa batang isisilang pa niya.
Isang araw, dumaing ng sakit ng tiyan ang aking ina kahit sa pagkakalam nila ay hindi pa niya kabuwanan. Ayon sa kwento, wala pang pitong buwan noon ang tiyan nya at imposibleng manganak ng ganoong kaaga. Sa loob ng bodega, ang labis napag-aalala sa mukha ng aking lola dahil sa hirap ng aking ina ay aking nakikita. Mailalarawan ko ito ngayon dahil nakikita ko ang mukha noon na hindi ko mailarawan dahil sa musmos na gulang pa lamang. Dahil sa kakulangan sa pinansyal na pangangailangan, napilitang paanakin ang aking ina sa loob ng bodega na tanging walang alam na komadrona lamang ang siyang tumutingin at nag-aasista sa kanya. Nang mga oras na iyo, marami ng dugo ang nawawala sa kanya at totoong nagdedeliryo na siya dahil sa hirap. Lumabas ang sanggol sa sinapupunan ng aking ina. Isang batang lalaking sanggol. Akala nila, tapos na ang lahat. Hindi pa pala. Makalipas ang ilang minuto, lumabas ulit ang isang batang lalaking sanggol. Parehong buhay ang bata ng ilabas ng aking ina. Subalit, dahil siguro sa pre-mature ang dalawa at kailangan pa nilang idiretoso sa incubator kung sakaling nasa ospital ang dalawa, hindi rin nagtagal at binawian ng buhay ang kawawa kung mga kapatid habang duguan at lupaypay naman ang aking ina ng mga oras na iyon.
Hindi malaman ng komadrona at ng aking lola ang dapat gawin sa aking ina ng mga panahong iyon. Tanging dasal at paghingi ng lakas sa diyos ang tangi niyang pinaghuhugutan ng enerhiya para sa buhay ng kaniyang anak at aking ina. Upang maampat ang pagdurugo, nilagyan ng mga basahan ang pwerta ng aking ina ng sa gayon kahit paano ay maampat ito. Subalit, hindi ganon ang nagyari.
Nang mga panahong iyon, mahirap ang biyahe patungo sa isang pasilidad pagamutan. Walang maayos na transportasyon na magdadala sa isang pasyente para sa agarang paglilipat at pagbibigay lunas sa isang may sakit. Sa kaso ng aking ina, imposible nga na madala siya dahil sa kalagayang iyon. Nagbilang pa ng oras, tanging dasal at hingi ng awa na lang ang inasahan ng aking lola habang kalong niya ako. Salat ako sa emosyon ng mga panahong iyon at hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa aking paligid. Hindi ko nararamdaman kung anong halaga ng isang magulang at ano ang epekto sa akin kung sakaling mamatay ang aking ina sa mga oras na iyon. Basta ang alam ko andon lang ako at nagmamasid..Isang umaga, nagising na lang ako na parang isang normal na araw na lang ang bahagi ng kahapon. Nakita kung kinuha ng ilang tao ang bangkay ng dalawa kung kapatid na hindi ko batid kung saan nila dadalhin. Ang aking ina ng mga oras na iyon ay nakaratay parin na iwan ko kung tulog o walang malay. Natatandaan ko pa, pinangalanan ang kapatid ko ng Juan at Jose bago ito kinuha ng mga tao sa aming tinitirhan.
Makalipas ang ilang araw, matapos manganak ang aking ina ng dalawang sangol na namatay, nakita ko siya na nakaupo sa papag habang pinapakain ng aking lola ng isang lugaw. Walang ibang nagging rutin ang aming araw araw na buhay maliban sa kakain ng lugaw, matutulog at ako’y maglalaro ng bolang niyog sa loob ng tinitirhan namin. Isang araw, nagulat na lang ako ng sabihing aalis na kami sa tinitirhang iyon. Natatandaan ko pa ang unang tanong na lumabas sa aking bibig ng mga panahong iyon at ang unang tanong na naitanong ko mula ng ako’y mag-kaisip. “SAAN NAMAN TAYO PUPUNTA?” nasanay na ako sa lugar na iyon at palagay ko, tahimik siya at di ako nasanay na maraming tao dahil lumaki ako na halos walang batang nakikita sa paligid, at kung meron man iyon at sa di maiiwasang pagkakataon siguro kapag dumadalaw ang mga kamag-anak ko dala ang kanilang mga anak. Walang namutawing sagot sa bibig ng aking lola at maging ng aking ina. Nang lumabas kami ng bahay, bumalik ako sa loob upang kunin ko ang tanging naging karamay ko sa loob ng bahay na iyon habang wala akong kasama at ang aking lola ay may inaasikaso sa labas. IYON ang BOLANG NIYOG. Ang nag-iisang laruan ko na hanggang ngayon ay di ko makakalimutan.
Pumasok ako sa loob, subalit ako’y hinabol ng aking agwela at di pinayagang kunin ang bagay na iyon pati ng aking ina. Iyong ang unang sakit ng loob na naramdaman ko sa aking murang gulag. Umiyak ako ng umiiyak.Nagpalahaw, sumigaw hanggang sa gusto ko at wala sila nagawa. At wala rin ako nagawa kundi tangapin ang katotohanang sa ikling panahon na pinagsamahan namin ng bolang niyog ay tapos narin ang masasayang alaala namin habang pinaglalaruan ko siya sa dati naming tinitirhan.Apat na taon ako noon at pakiramdam ko, importante sa akin ang isang ama at nararamdaman ko na naghahanap ko ng isang totoong magbibigay sa akin ng kalinga tulad ng ibang bata na nanakikita ko sa aking paligid. Hindi ko noon maipaliwag kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa isang magulang. Sa totoo lang, ni minsan ay hindi kami na kapag-usap or nag-uusap ng aking ina. Hindi ko naramdaman na importante ako sa kanya at importante rin siya sa akin. Basta ang alam ko, nabubuhay lang ako sa mundong ito na walang dahilan at kumakain kung kailangan.
Hindi rin ako nagulat ng isang araw, mayroong isang lalaki na ipinakilala ang ang aking ina sa aking lola. Nang mga panahong iyon, nasa Camarines Norte na kami nakatira. Sa Bayan ng Mercedes. Ang aking ina ay nakatagpo ng panibagong pagkakakitaan. Isa yong parlor at Beautician siya sa isang parlor na pag-aari ng mga Navarro. Isang teacher sa isang pampublikong paaralan ng Elementarya si Mrs. Navarro ng mga panahong iyon.
Naaalala ko pa, apat na taon ako noon ng minsa’y isama niya ako sa kanyang klase sa Grade One. Masyado akong na sorpresa sa loob ng eskwelahang iyon ng Mercedes Central School. Saling pusa ako at tinuturan ako ni Mrs. Navarro kung paano magsulat at bumasa. Buong akala ko ay tuloy-tuloy na iyong pagpasok ko sa school na iyo. Hindi pala. Mabait si Mrs. Navarro. Hindi ko makakalimutan iyon. Ang dahilan, kung bakit umalis kami sa poder ng mga Navarro ay mag-aasawa na naman palang muli ang aking ina. Sa aking isip, normal na tanawin lang ang bagay na iyon at di ko naitatanong kung ano ang dahilan at ano ang epekto nito sa buhay ko kung mag-asawa ulit ang nanay ko ng mga panahong iyo. Palibhasa’y bata ba at nasa edad bente tres lang naman siya ng mga taong iyon, hindi malayo nga na muling makapag-asawa ulit siya.Iyon ang simula ng isang pang-habang buhay na misteryo ng kanyang buhay at ng aking buhay sa poder ng kaniyang huling napangasawa.
Isang talamak na adik at nagtratrabahong mangingisda ang aking amain ayon sa pagkakilala ng aking lola. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan dito ng aking ina. Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ilang kapatid at kapamilya at maging ng aking lola, hindi parin siya naawat na panindigan ang desisyong makisama sa bagong lalaki na nakilala nya. Ang dahilan, buntis na pala siya. Dahil doon, napilitan kaming makisama sa lalaking walang direksyon at parang hangin lang kaming itinataboy kung saan mapunta at kung ano ang buhay na naghihintay sa amin. Noong mga panahong iyon, lahat ng mga mangingisda ay nangangamuhan lamang at walang permanenteng bangka na ginagamit. Kung saan malakas ang pangisdaan, doon sila kumakapit at nagpaaalila kasama ng mga pamilya. Naranasan kung matulog sa kung saan saan na lamang. Sa kural ng mga baboy, sa lutuan ng mga bangka na ang tanging sapin ay karton, sa lambat at kahit sa bangka sa edad na limang taon. Sa umaga, namumulot ako ng mga tuyong kahoy na pinagtabyasan sa mga ginagawang bangka sa ilalim ng barracks ng aming tinitirhan. Isang malaking barracks kasi iyon na tirahan ng lahat ng mga manggagawang mangingisda sa isang mangangalakal. Doon nagsimula ang lahat ng panglalait sa akin bilang isang anak ng nakalipas na buhay. Lahat ng mga masasakit na salita tulad ng putok sa buho, pinulot sa tae ng kalabaw at salitang di ka mahal dahil may bago ng pinagbubuntis ang aking ina ay noon ko lang din narinig. Ang salitang pagmamahal ay di ko alam. Walang halaga sa akin ang lahat ng iyon dahil hindi ko rin naman maintindihan ang kahulugan ng mga naririnig ko sa bawat araw na umuusad. Para lang akong isang utusang manekin na gumagalaw kung kailangan ng mga panahong iyon.
 Pinagbubuntis na noon ng aking ina ang aking kapatid  at ang alingasngas tungkol sa paglabas ko sa mundong ito ay unti-unti kung napapagtagpi-tagpi. Mula sa isang simpleng bata na iniluwall at nagka-buhay. Nalaman ko na ako’y walang kinikilalang ama. Na akoy may isang ina, subalit di ko alam kung anong damdamin meron siya sa akin at mula sa isang simpleng tanong kung ano ba talaga ang halaga ko sa mundong ito bilang tao ay nasagot ko ng paunti-unti dahil sa mga taong nakapaligid sa akin.
Dito nagsimula ang lahat upang maikintal ko sa aking isipan na iba ako sa normal na bata na may kinalakhang magulang. Isang ama’t ina na kasama nila araw-araw at nagmamahal sa kanila. Dahil sa pangyayaring iyon, nagsimula akong humobog isang pangarap na tanging ako lang ang siyang nakakaalam. Pangarap na balang araw, babaguhin ko ang ikot ng aking buhay. Anim na taon na ako noon, subalit bukas na ang aking kaisipan sa kahirapan na aking nakikita sa paligid. Mga batang gusgusin na walang ginagawa kundi ang mgalaro sa labas ng kanilang tahanan habang abala ang kanilang mga magulang sa araw-araw na gawin upang sila ay mapakain at mabuhay. Ah, sadyang nakakaingit nga naman ang mga panahong iyon. Isang bagay na hindi ko naranasan sa aking buhay na maging masaya tulad ng isang simpleng bata sa PARANG’ habang nakikipaghabulan sa kapwa mo bata dahil sa maraming bawal. Sa edad na anim na taon, wala akong naging karamay sa buhay kundi ang mga simpleng laruan tulad ng mga pinggan, manika, at mga pira-pirasong bagay nanapupulot ko sa labas ng aming tinitirhan. Wala akong nakakausap kundi ang aking sarili at mga pangarap na balang araw, babaguhin ko ang aking sarili at aahon sa kahirapang ito kahit sa anong paraan. Nang mga panahong iyon, wala kong kasama sa bahay dahil tumatagal ng ilang araw sa dagat ang aking amain dahil sa pamamalakaya. Samantalang ang aking ina naman ay abala sa mga gawaing pwdeng pagkakitaan ano man yon bilang dagdag sa pang-araw araw na pangangailangan sa kabila ng buntis siya. Dumating ang araw na isinilang aking kapatid. Isang lalaking pinangalanang Philip. Nang mga panahong iyon, salat ako sa emosyon at halos walang pakiramdam kung ano ba ang halaga sa akin ng munting angel na ito sa aking buhay. Ang tanging alam ko lang, wala akong pakialam kung siya man ay nailuwal sa ibabaw ng mundong ito. Di ko naramdaman ang salitang pagmamahal para sa batang ito. Wala rin akong pakialam kung ang batang ito ay kaagaw ko sa atensyon ng aking ina o siyang magiging dahilan upang higit na maging miserable ang aking buhay. Lumilipas ang araw na ang nagiging rutin ko ay mamulot ng mga tuyong kahoy, magtabo ng tubig kumain at matulog. Wala akong kalayaan para maglaro at lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan. Ang kalayaang makihalubilo sa mga ka edad ko ng mga panahong iyon ay nakatago lamang sa loob ng sulok ang aming dampa at nagmamasid lamang sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng mga kabataan sa isang butas ng dingding habang nangangarap na sana isang araw ay makatakas ako sa kulungang ito at makapaglaro din kasama ng mga batang nasa paligid. Duimating ang pagkakataong hinihintay ko. Isang bata ang nangahas na yayain akong maglaro sa tabing ilog habang nahahanap ng mga SHELLs sa dalampasigan. Noong mga panahong iyon, sagana pa ang ilog ng Mercedes ng mga lamang dagat kaya masarap manguha at maghanap niyon. Sa labis na kasiyahan ko, hindi ko namalayan na ang aking rutin sa araw na iyon na manguha ng pangatong at magimbak ng tubig ay aking nakalimutan. Wala akong ibang naisip kundi ang maglibangng at magsaya ng mga oras na iyo kapiling ng mga kapwa ko bata habang namumulot ng mga kabibe sa dalampasigan.
Iyon na pala ang simula ng aking bangungot sa kamay ng aking amain. Ang kabayaran ng aking munting kasiyahan na maranasan ko ang pagiging isang simpleng bata sa edad na anim ay mapuputol lamang ng panandaliang panahon lakip ang isang hagupit ng sinturon at ibitin ng patiwarik sa taas ng bubong kalakip ang maghapong walang kain habang nakagapos ang mga paa’t kamay. Wala akong magawa kundi ang maawa sa aking sarili at nagtatanong na sana’y matapos na ang araw na ito upang akoy makalaya. Sa aking tabi, habang kumakain ang aking ina kasama ang kanyang asawa, ingit na ingit ako habang kumakain sila at umiinom ng tubig habang akoy gutom at uhaw na sa isang tabi at nakagapos maghapon. Ang aking kapatid naman ay mahimbing na natutulog at walang alam sa aking sinapit na hirap sa kamay ng kanyang ama. Pinagmasdan ko ang mukha ng aking ina kung may magagawa ba siya para sa akin subalit blangko lang ang ekspresyon na aking nakikita. Nang mga panahing iyon, di ko alam ang salitang awa kaya hindi ko mailarawan kung naawa ba sila sa akin or hindi. Sa ngayon, masasabi ko na ang mga mukhang nakita ko noon sa kanila ay manhid at walang pakiramdam upang ako’y kaawaan habang gutom at nakatali sa isang sulok ng aming dampa..
Dumating ang aking agwela, ang aking tagapagligtas. Nakita nya ako sa sitawasyon halos di siya makapaniwala. Awang-awa siya sa aking itsura habang nangigilalata sa pagod at kakaiyak maghapon lakip ang uhaw at gutom. Sa mga oras na halos di ko na marinig ang mga anasan ng pagtatalo, isang bagay lang ang nagging malinaw para sa akin, ang linya ng aking ina na “MABUTI NGA SA KANYA YAN PARA TUMANDA”…iyon na ang naging ugat upang maging malayo ang loob ko sa aking ina habang ako’y nagkakaisip sa murang edad. Nahuhubog ang aking emosyon at kaisipan na wala akong kakapitan kundi sarili ko lang. Sa konting pagkakamali ko, sinturon ang aking karamay. Bugbog sa harap ng maraming tao habang pinapagalitan. Sa gabi, nag-iisip ako kung saan ba patungo ang buhay ko. Sa edad na anim na taon, natuto na akong kalabanin ang lungkot ng pag-iisa na wala kang kakampi kundi sarili mo.
Isang araw, ipinaalam ako ng aking malayong tiyuhin na isasama sa pangangahoy sa ilog. Pumayag naman ang aking ina at ama para daw may pakinabang naman ang araw ako. Doon nagkaroon ng malaking pagbabago ang aking buhay sa salitang sekswalidad. Hindi ko akalain na ang pagsama sa aking ng taong ito ang siyang sisira sa mura kung isipan upang maging mulat sa sekso. Hindi ko makakalimutan, labing anim na taon ang tiyuhin ko at ako’y anim na taon lang. May dala siyang mga pornograpiyang babasahin at ipinakita nya sa akin ang bawat detalye ng magazine. Doon nakita ang hubad na katotohanan hinggil sa sekso. Bawat sulok ng babasahing iyo, ay hindi pinalampas sa aking pangingin ng buhong kung tiyuhin.
Matapos ang pagpapakita niya ng mga malalaswang eksena. Naghubad siya sa aking harapan upang ipinakita ang hindi ko dapat Makita kasabay ang pagtuturo sa akin ng mga nakita ko sa babasahing dala nya. Wala akong alam sa gawaing iyon.. sa murang isip, hindi ko alam ang salitang tama at mali. Naganap ang hindi dapat maganap..hindi ko mailarawan ang mukha ng taong ito habang pilit nyang pinapalaruan sa akin ang kanyang kasilanan. Matapos noon, binigyan niya ako ng PISO.. pambili ko raw ng kendi. Sinabi nyang wag kung sasabihin sa iba ang ginawa naming dahil magagalit ang mga magulang ko. Isang pilit na OO lang ang sagot ko dahil di ko naman alam ang magiging epekto nito sa akin sa mga darating na panahon.
Umuwi kami na may dalang tuyong kahoy. Matapos akong maligo at magbihis ng  mga oras na iyon, dinatnan ko sa hapag kainan ang aking ama na walang imik.. sabagay, talaga namang di sa akin umiimik ang aking amain kung hindi kinakailangan. Ang pisong binigay sa akin ng aking tiyuhin ay hindi ko alam kung anong gagawin.. hindi naman kasi ako marunong bumili noon sa tindahan. Naaalala ko pa noong unang bili ko sa tindahan na umiyak ako ng umiyak sa harap ng mga tao dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko maituro ng ayos ang bagay na kailangan kung sabihin sa tindahan. Sobra akong napahiya kaya halos isumpa ko ang tindahan na hindi na ako bibili doon kahit kailan dahil sa katatawanang eksena na ginawa sa akin ng mga tao doon. “ LINTIK NA BATANG ITO, BIBILI LANG DI PA MASABI ANG BIBILHIN.. hahahahaha!.. Putok sa buho kasi walang ama at di na mahal ng ina kaya nag-iisa! Walang alam sa mundo sabi ng iba..” Kawawang bata! Walang kasama sa buhay! Hahahaha! Dapat dyan ipaampon na lang sa ibang magulang yan para matuto…… ibat-ibang eksena na tumatak sa aking murang isip.. kaya ang pisong kabayaran sa isang kahayupan ng aking tiyuhin ay itinapon ko na lamang at natulog na lang.
Doon umiikot ang aking buhay sa paulit-ulit na eksena habang ako’y nasa anim na taong gulang pa lang.. mamulot ng tuyong kahoy, magimbak ng tubig, at magalaga ng kapatid.. walang puwang ang maglaro at lumabas ng bahay para makihalubilo sa mga kabataang kaedad ko at ang abusuhin ng aking tiyuhin sa murang gulang para sa pansarili nyang kasiyahang laman….
Kahit minsan hindi ko naisip na ang lahat ng mga bagay na ito ay kakapit sa aking buhay hinaharap… bangungot na paulit ulit na lilitaw sa aking panaginip at magpapa-alaala kung anong klaseng buhay meron ako ng mga panahong iyo. Sadyang masakit, at talagang mahirap tanggapin sa simula ang lahat ng aking maramdaman na parang isa akong basura na itinapon at walang pakinabang ng mga panahong iyon at namulatan ko ang katotohanan sa mga panahong ito na ang lahat ay puro mali pala sa aking buhay.
Sinong magsasabing masarap maging bata kung hindi mo naranasan ang kalayaan ng pagiging isang musmos? Sinong magsasabing masaya kang nilalang kung hindi mo naman naramdaman ang totoong kahulugan nito sa simulat-simula pa lamang ng iyong kabataan? At sinong magsasabi na lahat ng tao ay pwdeng makabili ng kaligayahan kung wala ka naming maipambibili nito kahit sa katotohanang panandalian lamang..
Marahil kung hindi ko tatangapin sa aking sarili na ang mga bagay nangyari sa akin noon ay isang lipas na sandali na lamang, hindi ako makakabangon sa kinatatayuan ko at patuloy na nakalugmok sa pangit na kahapon ng aking buhay.

 Pasukan na, pitong taon na ako at wala parin akong isip sa kung ano ang mangyayari sa akin sa pagdagdag na ito ng aking edad sa kalendaryo. Hindi ko alam na malaking problema parin pala ang aking kinakaharap sa pagpasok ko sa unang taon sa paaralan. Wala akong rehistro bilang isang bata na isinilang sa bayang ito ng Camarines Norte . Pitong taon, subalit hindi pala ako handa sa usaping legalidad bilang isang batang isinilang kung sino ang aking ama at ina para matangap sa paaralang iyon…

Dahil sa pangyayaring iyon, kinailangang iparehistro ako bilang isang late registrant sa munisipyo ng aking agwela. Ang aking agwela rin ang siyang kasama ko sa mga panahong nagsisimula ako sa unang taon ko sa eskwelahang pinapasukan. Sa unang yugto ko sa pagpasok bilang grade one, nakita ko ang pagkakaiba ng aking buhay sa mga kaklase ko. Mula sa mga gamit, damit, sapatos at baon ay sobrang kaawa-awa aking kalagayan. Doon din nagsimula ang unang tanong ko sa aking sarili na “Kailan kaya ako magkakaroon ng mga bagay na iyon?”..Mga laraun na kahit kailan ay hindi ko naranasang magkaroon. Damit na bago, masarap na pagkain, pambili ng titserya at makapaglaro ng malaya na walang hinahabol na oras sa aming bahay. Ang bawat kalayaang nakukuha ko sa isang pagkakataon ay aking sinasamantala kahit batid ko na kapalit nito ay isang parusa mula sa aking ina at amain. Bilang bata, ramdam ko ang pagnanais na maramdaman ito sa kabila ng maraming bawal.
Nagpatuloy ang inog ng aking buhay buhay sa elementarya ng halos walang pinag-iba ang routin sa araw araw. Gumising ng maaga, kumain ng almusal, pumasok at umuwi sa takdang oras na itinalaga ng aking ina.
Kabilis ng mga panahon, pitong taon na pala ako at ang dating walang muwang na bata noon ay unti-utinh nahuhubog at natuttuto sa laban ng buhay upang maging matatag. Grade two na ako ng iwan ako ng aking agwela at nagising na lang isang araw natalagang wala na siya sa aking tabi. Aking aking nag-iisang karamay at kaibigan na siyang katuwang ko sa labang ito. Labis ang aking pagdadalamhati at siphayo ng mga panahong iyo at halos ang aking iyak ay di matatawaran habang ang aking mga kabataang pinsan noon ay nakatingin lang sa akin na parang natutuwa na ako’y wala ng kakampi sakabilang silay nalulungkot din. Sa lahat ng apo ng aking lola, tanging ako lang ang binigyan nya ng importansiya kaya marahil ganon na lang ang damdamin ng mga pinsan ko sa akin.
Sa huling hantungan, umiiyak ako ng umiyak na parang wala ng katapusan hanggang maramdaman kung ubos na ang aking luha subalit ang sakit ay patuloy na andon at nakatago sa loob ng aking puso. Unti-unti, tinanggap ko na marahil iyon ang ang panahon upang harapin ang buhay na mag-isa kasama ng mga taong di ko alam kung ako’y may halaga kahit kadugo nila.
Dahil sa pangyayaring iyon, ibinuhos ko ang aking panahon sa pag-aaral hanggang makamit ko ang karangalang “BEST in CLASS” sa ikalawang yugto ng aking pag-aaral. Nang mga panahong iyon, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa aking ina na ako’y may honor at nag-iisang bata na nakakuha ng mataas na grado sa aming section.Hindi kasi nila ikanatutuwa na ako’y isang bobong bata dahil sa lower section ako napunta.. ang SECTION 10 ika nga..
Bakasyon, tapos na ang ikalawang taon ko sa elementarya, ang buhay ko ay muling iinog sa bahay at pag-aalaga ng aking kapatid. Hindi ko makakalimutan ang mga panahong halos wala kaming matirhang matino ng aking mga magulang. Palipat-lipat kami ng dampa kung saan naroon ang trabaho na pwedeng pagkakitaan ng aking amain. Dahil pangingisda lang ang tanging pinagkaka-kitaan noon sa bayan ng Mercedes, doon nya lang kami binubuhay.
Kalbaryo din sa aking paglaki ang asawa ng kapatid ng aking amain.. dahil sa hindi rin naman kami magkadugo, ang hirap at pang-iinsulto niyan sa akin bilang anak sa unang asawa ng aking ina ay harap-harapan niyang ipinakikita ng minsang tumira kami sa bahay nila dahil pinalayas kami noon sa bahay na ibinibigay pansamantala ng mga may ari ng pangisdaan sa kanilang mga trabahante sa bangka. Tuwing wala ang aking ina at amain, tanging kami lang ng kapatid ko ang andon sa bahay nya, walang oras na hindi nila kami sinasaktan at kulang na lang ay patayin siguro. Sa murang isipan, takot akong magsumbong noon sa aking ina dahil hindi ko alam ang pwdenng mangyari. Kinimkim ko ang lahat ng takot na mag-isa at binabantayan ko na lang ang aking kapatid na maliit na kapag naririnig na umiiyak ay siya namang sinasaktan. Lahat ng iyon ay nanatiling lihim kahit ang hirap na aking naranasan ng minsang mahuli niya ako sa tindahan nya na kumuha ng pagkain dahil sa sobrang gutom noon at saksakan sa bibig ng isang coin na halos muntik ko ng ikamatay sa hirap ng paghinga dahil muntik ko ng malulon. Doon ako natakot at nanatiling tiniis ang pahirap na iyon kasama ng sa aking mga kapatid kapag wala ang aming mga magulang. Ng mga panahong iyo, halos mag tatatlong taon palang ang pangalawa kung kapatid at awang-awa ako sa sitwasyong iyon na aming kinasadlakan. Wala ako magawa kundi ang magtiis na lang at panatilihing lihim ang lahat hanggang sa makakuha kami ng malilipatan bahay at makatakas sa impyernong lugar na iyon kasama ang asawa ng kapatid ng aking amain at ampon nilang anak na di ko alam kung saan din nagmula ang kamaldituhan.
Kaybilis ng panahon, ang isa ay nagging dalawa, tatlo, apat, lima hanggang sa maramdaman ko na lang na magtatapos na pala ako sa elementarya. Subalit ang katuwaang nararamdaman ko ay nahaluan ng pait at lungkot na marinig ko ang magagandang plano ng aking mga kamag-aral hinggil sa mga papasukan nilang sekondarya.. ang tanong na kaytagal ko ng itinatago sa aking sarili kung makakatuntong pa nga ba ako sa sekondarya ay unti-unting limilinaw sa akin na mukhang napaka-imposible nga talaga. Nang mga panahong iyon, nag-iisa lang ang government school noon sa aming probinsiya subalit hirap makapasok dahil tanging may talino lang ang nakakapasok doon at lahat ng di pumapasa sa entrance exam ay napupunta sa pribadong school at kung mamalasin, hindi na papasok ang mga bata at namumuhay na lang bilang mangingisda dahil marami sa kanila ang walang kakayahang pag-aralin ng mga magulang or mas tamang sabihin siguro na kayang pag-aralin subalit walang tyaga at nanghihinayang din sa perang itutustos sa kanilang mga anak para makatapos.
Kinalimutan ko ang aking pangarap na maging doctor ng mga panahong iyon at tinangap sa aking sarili na marahil pansamantala nga siguro akong matitigil subalit andon ang pag-asang balang araw ay makakapasok din ako sa sekondarya. Simple lang naman ang okasyon para sa akin ng aking gradwasyon… tulad ng aking inaasahan, ibang tao rin ang aking nakasama sa pag-akyat ko sa intablado. Hindi ko rin ramdam ang kasiyahan ng mga panahong iyon ng buong-buo, subalit alam ko na may dahilan ang lahat kaya kailangan kung tanggapin at harapin ano man ang mga ito.

Gabi na ng makauwi kami sa bahay noon. Matapos magbihis, kumain at saka natulog. Tapos na ang isang chapter ng aking buhay mag-aaral. Nang mga panahong iyon, kakasilang pa lang din ng aking pangatlong kapatid na babae. Sa isip ko, dagdag responsabililidad na nman para sa akin na may isang bata na naman akong aalagaan.
Pasukan na naman, tuwing nakikita ko ang mga batang pumapasok sa sekondarya, naiisip ko ang kalagayan ko at totoong naiingit ako sa kanila. Iniisp ko kung paano ako makakapag-aral muli at makakamtan ang mga pangarap ko sa buhay na kung titingan ko ang aming buhay ay sadyang napaka-imposible talaga.
Subalit hindi ako nawalan ng pag-asa.. ramdam ko na may darating na panahon para sa akin upang muling makapasok sa sekondarya.

Umiikot ang buhay ko sa pag-aalaga sa sa dalawa kung kapatid noon habang umaasang sana’y dumating na ang pagkakataong hinihintay ko at hindi nga ako nagkamali…
Isang araw, habang nasa dagat ako at nagmamasid ng mga batang naliligo, nilapitan ako ng isang batang hindi ko naman masyadong kalaro at kalapit. Bakasyon ulit noon at alam nya na may schedule ng entrance exam sa pampublikong paaralan noon sa aming probinsiya. Niyaya nya ako noon at plinano naming ang lahat na lingid sa aking mga magulang. Dahil may konting barya ako noon na naitago, siya kung ginamit ang munting salapi na iyon upang mabayaran ang konting halaga na bayarin sa school upang makapag-exam.
Nilakad naming ang paaralan kahit malayo at nakakuha ng schedule kung kailan ang pagsusulit. Ngunit dahil sa hindi alam ng aking mga magulang ang plano ko na makapasok muli sa sekondarya, hindi ko sinabi sa kanila kung saan ako naggaling maghapon dahil tyak magagalit sila. Ang resulta, pananakit na naman sa aking katawan ang aking nakuha. Pero mas higit kung inisip ang makapasok kumpara sa sakit na nararamdaman ko dahil sa paglilihim ko sa kanila.
Dumating ang araw ng pagsusulit. Nang mga oras na iyon, walang patid ang aking dalangin na sana’y maipasa ko ang pagsusulit na iyon at makapagsimula ng bagong buhay sa sekondarya. Hindi ko iniisip ang hirap na dadanasin ko kung sakaling makapasa ako. Sabi ko, saka na ang darating na araw. Ang mahalaga ay ang ngayon. Natapos ang pagsusulit at umuwi na kami ng bahay. Lihim parin ang pagalis ko na iyon sa amin kaya naman, inaasahan ko na naman ang galit ng aking ina.

May 7, 1997- ang buwan, petsa at taon na di ko makakalimutan. Lumabas ang resulta ng pagsusulit at isa ako sa mga pinalad na makapasa sa napakahirap na pagsusulit na iyon. Sa wakes, makakapagsimula na ako. Umuwi ako ng masaya at positibo. Bahala na, sasabihin ko sa aking ina na kumuha aq ng pagsusulit sa sekondarya at pinalad na makapasa. Nang mga oras na iyon, abala ang nanay ko sa pag mamanikyur sa isang kumara nya. Ibinalita ko sa kanya ang magandang resulta ng aking pagsusulit. Inaasahan ko na di siya matutuwa ngunit kailangan kung maging positibo na ipakita sa kanya na kailangan kung mag-aral. Sa kabila ng pagtutol nya at pag sasabing gastos lang yan at di rin naman daw ako makaktapos, nagpipilit parin ako na ipaliwanag sa kanya ang gusto ko. Salamat sa kumara nya na tumulong sa akin na ipaliwanag ang gusto ko habang nakikinig sa mga argumento naming mag-ina. Sa bandang huli, nangako siyang isasangla nya ang isang alahas nya para maka-enrol ako dahil wala naman siyang pera. Alam ko na hindi bukal sa loob nya ang gagawin dahil ramdam ko na mahalaga sa kanya ang bawat gintong nakalagay sa katawan nya na nakuha nyan pa sa pagiipon mabili lang ang gusto. Ewan ko ba, minsan ramdam ko na naiingit pa ako sa mga alahas ng nanay ko dahil sila ay napag-iipunan nya samantalang ang pag-aaral ko hindi nya magawa.
Sa wakas, naka pag-enrol din ako. Tulad ng inaasahan ko, hanggang enrolment lang ang sinagot ng nanay ko. Nalaman ng aking amain ang bagay na itinago ko hinggil sa aking pag-aaral at sa huli wala rin siya magawa sa kabila ng mga argumento. Kesyo nagsasayang lang daw ng oras, pera at pagod dahil di rin naman daw makakatapos. Problema ko ang mga gamit sa school tulad ng notebook, ballpen, bag at iba pa. Upang matugunan ko ang pangangailangan sa bagay na iyon, minabuti kung maghanap ng mga junk notebook na pwde pa mula sa aking mga pinsan hanggang sa makaipon ako ng sapat na notebook  para sa lahat na aralin. Wala rin akong polong isusuot, black pants at sapatos ng mga panahong iyon. Dahil sa may anak ang tiyahin kong nag-aaral sa school na papasukan ko, minabuti kung magtanong kung meron siyang pinaglumaang uniforme. Sa kabutihang palad, nabigyan naman ako ng isang lumang pares. Sobrang laki ito kumpara sa patpating kung katawan noon subalit pinagtyagaan kung suotin sa kabigla ng katawa-tawa kung itsura habang suot ko ang pinaglumaan uniformeng ito. Ang sapatos na gamit ko ng mga panahong iyon ay sobrang laki rin kumpara sa liit ng mga paa ko kaya naman kailangan siksikan ng papel para kumasya sa akin. Nakita ko ang malaking pagkakaiba ko sa aking mga kamag-aral habang akoy pumasok. Ang aking kakulangan sa lahat ng bagay ay damang-dama ko at sadyang napakaling agwat kumpara sa kung ano ang meron sila. Ingit na ingit ako at nanagrap na sana, dumating ang panahon na magkaroon ako ng mga iyon.
Akala ko ganon lang kadali ang pag-akyat ko sa aking mga pangarap. Dama ko ang hirap at sobrang pagtitiis sa lahat ng bagay. Pumapasok akong halos walang laman ang tyan kundi kape lang. Naglalakad papunta sa eskwelahan makapasok lamang. Pagka-minsan naman ay binibigyan ako ng aking ina ng dalawang piso noon kapag may kustomer na nagpalinis ng mga kamay at paa sa kanya. Ang bagay na ito ang siyang iniipon ko at ginagamit kapag may mga proyekto. Hirap akong makihalubilo sa aking mga kamag-aral dahil dama ko ang pangliliit ko sa aking sarili. Subalit hindi ako nagpatalo sa aking mga insecurity. Nagpatuloy ako sa aking karera at inuubos ang oras sa silid aklatan kung bakante rin lang naman ang oras. Tanggap ko na hindi ako ganon katalino at may taglay rin akong kahinaan sa ilang asignatura tulad ng matematika. Alam ko ang hirap at pasakit na tinatangap ko sa araw ng pagsusulit kapag ito na ang pag-uusapan. Subalit nagsikap ako na matutunan ang lahat kahit simpleng komputasyon lang.
Nasa unag taon palang ako ng hayskul subalit parang sinusubok ang aking katatagan sa mga panahong iyon. Isang malakas na bagyo ang tumama sa probinsiya ng kabikolan. November 1, 1995 nang maganap ang isang pangyayari na di naming inaasahang lahat. Ang pagdating ng bagyong Rosing na sumalanta sa aming lalawigan.
Buong akala ko ay katapusan ko ng mga mga sandaling iyon habang tumatajas kami sa lupit ng bagyong iyon sa gitna ng rumaragasang baha at lakas ng hangin. Nang mga panahong iyon, nasa tabing dagat ang aming payak na bahay. Sa lakas ng hangin, minabuting umalis ng aking ina kasama ng aking 3 nakababatang kapatid sa lugar na iyon dahil sa lupit ng panahon. Ang pag-iisip kung paano maging ligtas ang lahat kasama ng aming ilang ari-arian, minabuti ng aking amain na magpa-iwan kasama ako sa aming bahay.
Subalit, isang pagkakamali ang aming nagawa na siyang dahilan upang muntik nang ikasawi ng aming mga buhay. Isang malakas na hangin at storm surge ang siyang sumira sa dingding ng aming likuran, at doon kita ko ang lahat habang nilalamon ang maraming kabahayan papunta sa karagatan. Sumigaw ako ng tulong habang nakakapit sa isang sanga ng puno upang hindi madala ng rumaragasang agos ng tubig papunta sa kalaliman. Kanya-kanya na kaming ligtas sa aming mga buhay sa mga oras na iyon.
Ang takot ay aking inalis sa aking isip at sa halip taos pusong humingi ng tulong sa diyos upang makaalis ako sa sitwasyong iyon at maging ligtas papunta sa mataas na lugar. Pinilit kung akyatin ang taas ng puno at kumapit sa ilang bahagi nito papunta sa ilang puno na katabi ng punong kinakapitan ko sa kabila ng lakas ng hangin.
Nagtagumpay na makarating sa ligtas na lugar at naiwasan ang kamatayan sa kabila ng  hirap. Isang lalaki ang nag-alok sa akin ng tulong ng Makita ang aking basing kalagayan sa kanyang tahanan ng lumabas siya sa upang silipin ang kalagayan sa labas. Nakita ko ang ilang pamilya na nakikisilong din sa kanila. Pawang mga basa at halos lamig-lamig na lamig din tulad ko. Wala na akong balita sa akong amain sa mga oras na iyon at umaga na kami nagkita-kita. Nabalitaan rin ng aking ina na ligtas ako ng mga oras na iyon. Umaga na rin nang Makita ko ang eksena sa labas dulot ng bagyong rosing. Marami ang nag-iiyakan dahil sa kanilang kabuhayang nawala. Ang ilan kasama na kami ay nag-isip kung paano muling magsisimula sa buhay. Subalit mas nakakalungkot pagmasdan ang mga taong nawalan ng mahal sa buhay at ang ilan ay di pa rin matagpuan kung nasaan.
Ahh.. sadyang kayhirap isipin.. Kahit ako ay di ko alam kung ano ang buhay na naghihintay sa akin sa mga darating na araw. Nawala sa isip ko ang pag-aaral. Ang alam ko lang, kailangan kung ayusin ang lahat at tulungan ang aking pamilya na magkaroon ng makakain sa mga oras na iyon.
Tumira muna kami pansumandali sa bahay ng kapatid ng aking amain. Tinangap naman kami subalit alam ko na napapaharap na naman kaming magkakapatid sa hirap dahil ang pamilyang iniiwasan namin ay siya uling kukpkup sa aming magkakapatid habang wala pang katiyakan kung saan kami sisilong habang walang bahay.
Di naman kami nagtagal sa bahay na yon dahil alam ko na ramdam din ng aking ina kung ano ang nangyayari sa amin habang wala sila sa bahay nang kapatid ng amain ko at kami ay naiiwan doon. Pagkalipas ng limang araw, nakakuha naman ang aking mga magulang nang bahay na mauupahan pansamantala.
Dumating ang araw ng pasukan, nagulat ang aking mga magulang ng malamang ako’y muling papasok sa eskwelahan. Nang panahon na iyon, sinabi nilang wag na akong pumasok at manatili na lang sa bahay at bantayan ang aking mga kapatid. Subalit nanatili ang aking desisisyong ipagpatuloy ang lahat ng aking sinimulan.
Sa paaralan, nalaman ko ang pagbabago sa aming mga eskedyul na pasok dahil sa ilang classroom na nasira. Kailangan naming pumasok ng ala-sais ng umaga at uuwi ng ala-una ng hapon. Sa sitwasyon ko, alam ko na mahirap ang lahat sakin. Una, dahil malayo ako sa school at di ako hadang iwan ang ilang responsabilidad sa aking mga kapatid na asikasuhin sila habang papasok rin sila sa elementarya. Minabuti kung ipaliwanag sa aking magulang ang bagong eskedyul ko sa paaralan at ako’y nagpapasalamat na di naman ako nahirapang makuha ang sagot sa kanila.

Dahil sa bagong eskedyul na yon, kailangan kung gumising ng alas tress ng umaga at maghanda para sa pagpasok araw-araw. Dahil sa pagbabagong iyon, naranasan kung pumasok ng palaging gutom at umuwi nang gutom na gutom. Ang lahat ng ito’y napagtiisan ko habang matapos ang unang taon ko sa Hayskul.
Bakasyon, dahil alam ko na di ako bibigyan ng aking magulang nang pang-enrol, sa edad na 15 kahit patpatin, nagtrabaho ako bilang isang boy sa sentro ng aming lalawigan sa sweldong 500 isang buwan. Sa simula ay ayaw akong tangapin ng may-ari dahil sa akoy maliit na bata at wala pa sa tamang edad. Subalit dahil sa pakiusap ng kumara ng aking ina ay napilitan din silang tangapin ako. Di ko talaga makalimutan ang kumara ng aking ina dahil siya ang gumawa ng paraan noong unang taon ko sa hayskul at maging sa ikalawang taon, siya parin ang tumulong sa akin.
Matagumpay kung nairaos ang aking ikalawang taon at patuloy na nagsisikap na makaraos sa kabila ng kakulangan ko sa bagay. Nasa ikatlong taon na ako ng aking pag-aaral sa hayskul ng isang insidente ang maganap sa pagitan ko at aking amain. Nagtalo kami sa isang bagay hinggil sa pagsunod ko sa kanyang iniuutos na hindi nya nagustuhan ng di ko magawa ng ayos. Ang resulta, pinalalayas niya ako sa aming bahay. Nalaman ito ng aking ina at nag-away silang dalawa dahil sa akin. Itinapon  ng aking amain ang lahat ng aming damit sa labas ng bahay at itinaboy kami palabas habang pinapanood ng ilang kapit-bahay ang eksenang iyon sa kalagitnaan ng tanghali.
Nang mga panahong iyon, sinisimulan ng aking mga magulang na maitayo ang aming dampa sa tabi ng dagat. Doon kami pansamantalang tumuloy at nagpalipas ng gabi. Ramdam ko ang awa sa aking mga kapatid dahil iniwan naming sila doon sa kanilang ama na wala naming alam kung paano alagaan ang mga kapatid ko dahil sa istilo ng pamumuhay nya na sa kabila ng may pamilya ei di man lang nag-aabalang alagaan ang mga anak nya at masaya pang kasama ang mga barkada at kumpare niya.
Dahil sa panyayaring iyo, naranasan kung alimurain ng aling mga kamag-anak at sinisi dahil sa nangyari aking magulang. Tinangap ko ang lahat ng masasakit na salita buhat sa kanila at patuloy na nagsikap para sa aking pag-aaral. Subalit ang lahat ay di naging matagumpay. Naapektuhan ang aking pag-aaral dahil sa paghihiwalay nila. Labis akong naawa sa aking mga kapatid na napapabayaan sa kalsada at kung minsan ay di nakakakain ng maayos kahit may kakainin dahil walang nagluluto. Ang aming bunso na sa tuwing nakikita at humahabol sa aking ina habang nagtitinda ng mga special offer sa kalsada ay labis na nagbibigay sa akin ng sakit dahil kailangang iwan namin siya para mabuhay sa edad na tatlong taon lang. Ang kanyang iyak ang nagbigay sa akin hirap ng kalooban kung bakit di ko matiis na bantayan siya at aliwin at di pumasok sa eskwela kung kinakailangan habang wala kanilang ama at nasa school ang aking ibang kapatid para mag-aral at ang aking ina ay nakikipagsapalarang mag benta ng mga pabango sa kabundukan para magkapera.
Natapos ang ikatlong taon ko sa hayskul na may bagsak na isang asignatura, at yon ang matematika. Dito nagsimula ang panibagong hamon ng sa aking buhay.. Ahh.! sinong-mag-aakalang ganito ako kabubuo sa asignaturang ito... Dahil sa pangyayaring ito, naputol ang aking buhay sa Camarines Norte State College- Mercedes Campus.  Hindi na ako tinagap bilang estudyante nila.. Masakit subalit kailangan kung mamili ng panibagong institusyon na huhubog ng aking isipan.. Nang mga panahong iyon, bukod tanging ang Hereos Memorial College ang tumatangap ng mga estudyanteng may bagsak na asignatura.. Mailalarawan ang school na ito na isa sa pinaka pangit na school noong 1998.  Ang dating prestihiyosong institusyon na humubog ng maraming professional na tao sa Camarines Norte noong mga dekada otsyenta ay nawalang parang bula dahil sa mapait na kwentong bumalot dito hanggang sa tuluyang bumagsak ang magandang imahe nito patungo sa isang basurang walang pakinabang.. Kung sakaling may sapat na pera cguro ako para mag-eenrol sa institusyong ito, marahil dito ko pipilling magtapos ng huling taon sa sekondarya. Pero sa kasamaang palad,  ni kahit isang sentimo ay wala akong maipapang-enrol sa pribadong institusyon na na ito.. 
Ang San Roque Integrated School (San Roque National High School ngayon) ay isa rin sa kilalang bagsakan ng mga estudyanteng may masamang ugali, grado at delikwente at lugar kung saan nabubuo ang mga tinatawag na gangsta...Institusyong kinakahiya kung pasukan dahil bukod sa walang pangalan, hindi ko rin matangap na dito ako magtatapos ng huling taon ko sa sekondarya. Subalit wala akong magawa.. kailangan kung tapusin ang lahat ng aking nasimulan... Ahh...tadhana nga bang matatawag o sadyang mapaglaro lang ang buhay...? Pasukan.., umpisa ng panibagong pakikisama, bagong kaklase, kaibigan at mga guro... 

Unang araw, unang pakikisalamuha.. Masaya rin ng konti dahil nakita ko rin ang mga dati kung kaklase sa CNSC-Mercedes na dito nagsisipag-aral.. Dante Avellaneda, Jeremy Cabusas, Sheryl, Eugene Pardo at kung sino-sino pa.. Mga taong naihanay ko bilang isang sandigan sa panibago pakikisalamuha sa institusyong ito..Masaya rin kahit paano ang unang mga linggo ko sa San Roque Integrated School..

Naging masalimoot ang naging buhay ko sa San Roque Integrated School.May ilang kontrobersya rin na di malilimutan tulad ng pagkakasangkot ng aking guro sa isang iskando, ang aming madalas na paglalakwatsa sa oras ng klase habang nanonood ng mga x-rated na palabas, inuman, droga,(Tikim-tikim ba..) at ang madalas na paghahanap ng away sa bawat sulok ng kanto kasama ang mga tropa ng HBG.. (Hard Boil Gansta) hanggang sa ipatawag kami sa Principal office..Napasama ako sa lahat ng uri ng kalukuhan pero ni minsan, di ko inalis ang lahat ng mga paraan upang maisabay ko ang pag-aaral. Kailangan kung makisabay sa agos ng buhay habang naririto ako sa institusyong sinasabi nilang bagsakan ng mga bagsak.. Pero ang katotohanan, maraming bagay ang di nila alam sa loob ng SRIS.. Mga pangit na imahe lang ang kanilang nakikita subalit ang nasa loob na karamdadaman ng maraming estudyate dito ay di nila napapansin... Ahhh.. saan nga ba nagsimula ang pangit na paghusga sa SRIS?

Ito ang totoong kwento sa loob ng San Roque Ingrated School...Dito ako hinubog at masasabi kung, dito ako naging ganap na tao. Dito ko natutunang harapin ang lahat ng problema sa buhay.. Mula sa simpleng pagharap sa pangongotya ng tao hanggang sa pagyurak sa mga pangarap mo at tawagin kang kalapating mataas ang lipad ay dito nagsimula..

Umpisahan ko ang paglalahad kung paano naging masalimoot ang huling yugto ng aking hayskul life sa San Roque Integrated School.. 

Buwan ng hunyo taong 1998. Unang buwan ng pagsisimula sa klase. Dahil bago ako sa institusyong ito, di ko alam kung saan at paano ako magsisimula ng lahat. Bagong ka-klase, kapaligiran, guro at silid aralan na di ko pa napapasok  kailan man. Ramdam ko ang takot sa unag araw na yon. Una, dahil di ko alam ang ikikilos ko dahil halos ang mga mag-aaral doon ay magkakakilala na. Bagamat masasabi kung may mangilan-ngilan akong kilala, hindi panatag ang aking loob sa malaking pagbabagong iyon sa aking sarili dahil mas nakasanayan ko ang lumang institusyong pinangalingan ko. 

Sa mga unang araw, labis akong nangapa sa aking mga kaklse.. dito ko na rin naransan ang ma "BULLY" ng husto...  Dahil sa hindi ako ganon kadaling naka adjust sa kapaligiran, natutunan kong ihiwalay ang aking sarili sa aking mga kaklase. naging sentro ako ng usap-usapan ano pat' naging daan iyon upang maging tampulan ako ng tukso dagdag pa ang di ko matangap na sitwasyon at pangyayari sa akin dahil namimis ko ang mga dati kung kakilala sa CNSC..  Halos gusto ko nga bumitaw at huwag ng ipagpatuloy ang lahat ng aking sinimulang laban.. Ang lungkot-lungkot ko ng mga panahong iyo.. pakiramdam ko, wala akong kakampi.. Nag-iisa ako.. walang karamay.. Mas madalas akong umiiyak dahil sa mga kasiphayuan sa buhay.
Naisip kung sumuko na lang at huminto sa pag-aaral dahil sa mga pangyayari na aking nararanasan sa school dagdag pa ang problema na aking kinasadlakan sa bahay. Subalit, sa tuwing naiisip ko ang pang-lalait ng ibang tao na wala akong mararating sa buhay, mas naisip kung ipagpatuloy ang laban at tapusin ang huling yugto ng high School ko sa San Roque, integrated School.
Para masabayan ko ang buhay sa loob ng school na aking kinabibilangan noon, inabuti kung sabayan ang hilig ng mga barumbado kung kaklase. Natutunan kung makibagay at sumama sa mga kaguluhan at delengkwente nilang gawain sa loob ng school. Vandal doon,  vandal dito at kung ano ano pang paninira sa  gamit ng institusyon ang aming ginawa. Cutting class ang paborito naming Gawain noon. Hindi kami pumapasok at kalimitan nasa likod din kami ng school upang pagsaluhan naman ang isang boteng Gin habang nagtatawanan. Ganon umikot an gaming buhay sa araw-araw. Subalit, may isang lihim sa aming buhay ang hindi alam ng karamihan sa aming mga guro noon pati na ang ilang mga kaklase..
Sa kabila ng katarantaduhan na aming ginagawa noon sa school, mas napatibay naming ang aming samahan at naibahagi ang mga problema sa isat-isa kung bakit kami nasadlak sa institusyon na ito na bagsakan ng mga bagsak na estudyante galing sa mga kilalang school sa aming bayan. Gumawa kami way, paano namin mas higit na mapabuti ang aming samahan na kahit iba ang tingin sa amin noon, mas pinili naming ayusin ang lahat at magkaroon ng direksyon at tangapin ang lahat na andito na kami sa school na ito at mas tamang tapusin na na lang naming ang natitiang huling taon sa buhay high school naming. Mas tumibay ang aming samahan at binago ang aming pag-uugali ng mga matyatyagang guro namin sa SRIS at tinulungan tahakin ang landas sa mas maganda pang layunin. Dahil sa mga payo nila, mas naging productive kaming indibidwal at mas naging  kapaki-pakinabang ang ang bawat araw namin sa school at sa ilang mga Gawain may kaugnayan sa pagpapaganda sa pangit na imahe ng aming institusyon na mas Kilalang mas mahusay at isa nang tinitingalang school ngayon sa Camarines Norte.
Nairaos ko ang huling taon sa High school at alam ko na sa pagtatapos ko sa huling taon na yon, isang madilim na daan ulit ang naghihintay sa akin. Habang ang nag-uusap ang mga kaklase ko noon sa kanilang mga plano sa College at pagkuha ng mga gusto nilang kurso, AKO, mas pinili kung mag-isa na malayo sa kanila at wag marinig ang mga plano na alam kung hindi mangyayari sa akin kahit mag-plano pa ako na makakapsok ako sa kolihiyo at maka-pag patuloy ng pag-aaral sa kursong gusto ko.
Tulad ng aking inaasahan, wala ngang dahilan upang akoy matulungan ng aking mga magulang na tumuntong sa College. Anila, nakatapos na ako ng high school at sapat nayon at tumulong na lang sa gawaing bahay. Wala akong nagawa kundi tangapin ang kapalarang iyon kahit pansamantala. Mas inisip ko ang mga plano ko kung ano ang dapat kung gawin kaysa ang isipin ang mga plano nila na akoy tumigil sa pag-aaral.

Sa pakiusap narin ng aking ina na maipasok ako ng trabaho sa laguna sa isang tambakan ng basura na kung saan andon ang aking mga pinsan noon na ipinasok ng isa rin kakilala n gaming kamag-anak after nila makatapos ng Elementary noon at natigil din at mas piniling magtrabaho sa kalakan ng mga basura.
Habang nasa kalakalan ako ng mga scrap o junk shop noon, mas nanaig ang pagnanais kung bumalik sa pag-aaral at magtapos dahil sa nakikita kung hirap ng mga kasama ko doon kasama na ako. Pinili ko ring pakawalan ang lahat ng hinanakit ko sa aking ina at sa hindi nya pagsuporta sa lahat ng aking pangarap upang makatapos. Sumulat ako sa kanya sa bicol at nagsabi na babalik ako sa probinsya at muling mag-aaral lakip ang lahat ng mga hinanakit ko noon mula sa aking pagkabata haggang sa aking pagtanda.. PAGTANGAP AT PAGPAPATAWAD… yon lang ang naging daan upang mas higit akong makakilos at makapag-isip ng maayos habang nagdarasal at humihingi ng tulong sa may-kapal at ang pagnanais na muling Makita ang kulang sa aking buhay.. ang aking AMA..
Sa bawat gabi, hindi ko inaalis ang posibilidad na muli kaming mag-kikita at maririnig ang kanyang boses at mayakap kahit sa huling mga sandal ng buhay nya. Ang pangarap na Makita siya at makasama sa kahit anong paraan ay mas tumibay at nagbigay sa akin ng lakas upang mas lalong lumaban at magpatuloy sa laban.
Matapos ang isang taon pagbubuno sa junkshop, at makapagpaalam sa aking ina na akoy babalik na sa probinxia, wala na rin silang nagawa pa. Ang aking dalangin ay natupad at muling nakapasok sa College kahit napaka-imposible ay nangyari sa isang aksidente na balita na ibinigay sa akin ng aking kakilala na may may isang examination sa mga gusting maging scholar sa college ng pamahalaan.
Subalit nag dalawang isip ako kung ako ba ay matatangap dahil aniya, nasa 85 ang average ang dapat na mag-xam sa schoorship na yon. Ngunit sa kagustuhan ko talaga na makapasok sa kolihiyo, mas pinili ko na magtanong sa ahenxia ng PGSP office upang malaman ang buong kwalipikasyon ng mga gusting mag take ng exam.
Ipinakita ko sa admin ang aking school card, aniya, hindi ako makakapag take dahil hindi sapat ang akinng grade upang makapasok sa pre-assestment noon ng mga gustong mag-exam. Nanlumo ako at lumabas ng opisina ng PGSP.. habang akoy, naglalakad sa pasilyo noon ng kapitolyo, naririnig ko an gang kwentuhan at tuwa ng mga aplikante na papasok. Naramdaman ko ang ingit dahil sa walang kahirap-hirap nilang naipasa ang lahat ng mga dapat ipasa upang kaka pag take ng scholarship.
Nagdasal ako ng taimtim at sinabi ko sa diyos na bigyan ako ng sapat nalakas upang makayanan ko ang lahat. Alam ko, wala akong hiniling sa diyos noon na hindi nya ibinigay. Nagtyaga akong maghintay kung kalian yon darating subalit hindi nya ipinagdamot sa akin. Hindi ako nawalan ng pag-asa kahit kalian sa kanya.
Habang nakaupo ako sa isang upuan ng pasilyo ng kapitolyo, may lumapit sa aking lalaki at nagtanong kung ano ang aking ginagawa doon. Sinabi ko na akoy nagpapahinga lang. Natandaan nya ako at sinabi na “ Ikaw yong batang nag aaply ng scholarship grant diba?” Sumagot ako ng “opo”  at sinabi ko na hindi nga ako kwalipikado dahil sa 84.56 lang ang average ko. Kinausap nya ako at tinanong kung gaano ba ako ako kainteresado sa exam na iyon. Kwenento ko sa kanya ang lahat at ang pagnanais ko na makapagpatuloy ng pag-aaral sa kahit anong paraan. Napaiyak ako sa harap nya noon pero hindi sa nag-paawa upang matangap ang aking aplikasyon. Sa huli, pinayuhan nya ako na magsikap at maghintay lang ako ng tamang panahon at darating din ang lahat ng mga pangarap na aking hinihintay..
Tumayo sya at nagpaalam na muling babalik sa kanyang tangapan habang akoy nagpasalamat at tumayo na rin upang umalis sa lugar na iyon.Bumalik ako ng bahay at muling nagpatuloy sa buhay habang tumutulong sa gawaing bahay.
Isang araw, may dumating na sulat galing sa kartero at naka pangalan sa akin. Wala na naman akong inaasahan na taong susulat sa akin para makatangap ng sulat na iyon. Binasasa ko ang maliit na mensahe na nagsasabi na akoy magreport sa PPGSP upang kumpletuhin ang aking mga dokumento sa pag take ng examination. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Mabilis akong nagayos at pumunta sa tangapan ng PGSP at muli kung nakaharap ang taong nakausap ko noon. Kalmado lang siya na akoy hinarap na parang hindi nya ako kilala. Kinausap nya ako at hinihingi nya sa akin ang aking mga orihinal na dokumento. Natakot ulit ako nang ibigay ko iyon at Makita nya ulit ang aking grade na hindi pasok sa kwalipikasyon ng mga nagnanais mag exam. Subalit wala akong narinig sa kanya. Kinuha nya ang aking mga papels at sabay sinabi na maghintay na lang ng sulat upang kung kalian ang araw ng eksaminasyon. Lumabas ako sa pinto ng opisinang iyon na nakalutang ang utak.. Umiiyak na  pala ako.. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.. Habang pababa ako ng hagdan mula sa ikalawang palapag ng kapitolyo, hindi ko na naisip na pinagtitinginan na ako ng mga taong nakakasalubong ko dahil umiiyak ako. Sa labas ng kapitolyo, bigla akong napaluhod at nagpasalamat sa diyos habang napatingin sa taas na nakangiti at sinabing “Diyos Ko, salamat sa pagkakataong ibinibigay mo sa akin para makamit ko ang mga pangarap ko”. Tumayo ako at naglakad sa park.. Ang gaan ng aking pakiramdam. Alam ko, iyon ang simula..
Dumating ang telegram ng pagsusulit at ang araw na hinihintay ko.. Kalmado ako habang nasa eksaminasyon. Sa pinto ng eksaminasyon room, nakita ko siya.. ang taong kumausap sa akin noon at tumangap ng aking aplikasyon. Nginitian nya ako at sinabi nya sa akin ang salitang GOODLUCK.. Ngumiti din ako sa kanya at sinabing salamat sa lahat. Matapos ang araw na iyon, alam ko at kumpyansa ako na maipapasa ko ang pagsusulit na iyo at hindi nga ako nagkamali.
Dahil sa programa ng ng PGSP ng aming bayan, naka pag simula ulit ako ng pag-aaral sa kolihiyo..Libre yon at kumuha ako ng kursong BS-Fisheries sa CNSC. Subalit kahit libre ang aking matrikula.. marami paring gastusan sa school na kailangan ko hanapan ng paraan upang mairaos ko ang aking pag-aaral.. Pumasok akong Student Assistant sa College at natangap naman ako. Nakita rin ng aking mga guro ang lahat ng pagpupursige ko na makatapos kaya sila man ay tumulong sa akin sa financial man at sa moral support. Hindi-hindi hindi ko sila makakalimutan lalo na ang aking kaibigang si Eugene Pardon na naglaan ng panahon at financial na alalay kahit siya ay nag-aaral din. Dumating ang araw nang aking pagtatapos. Wala man ang aking mga magulang sa araw na iyon upang akoy samahan sa pagakyat sa entablado.. Naiintindihan ko na lang ang sitwasyon dahil alam ko naman na masaya rin sila sa mga oras na iyo.
Sa gabi ng aking pag-uwi galing sa graduation, nakita ko ang umpukan ng mga lalaking nag-iinuman. Ang aking Step-father. Tinawag nya ako, pinaubo sa tabi nila.. kinausap at binate ng mga kumpare nya. Walang salitang lumabas sa bibig ng aking amain.. Ako ang bumasak ng katahimikan sa aming dalawa. Totoo, hindi maganda aming ugnayan mula pagkabata at sa aking paglaki ng aking amain, subalit sa mga panahong nag-aaral ako, mas higit kung na realize ang lahat ng pasakit na ginawa nya sa akin noon. Ang pag-mamalatrato na halos ikamatay ko, ang kirot sa dibdib na mahigit isang dekada kunng tiniis at maging ang paghahanap ng isang father figure na gusto ko Makita sa kanya. Sa huli, mas ipinagpasamat ko ang mga bagay na iyon dahil mas tumibay ako upang harapin ang hamon ng buhay at magpasalamat sa diyos na binigyan nya ako ng taong magpapasakit sa akin upang mas lalong tumibay pa. Minasdan ko ang kanyang mata.. Andon parin ang isang typical na maangas at matigas kung ste-father pero ramdam ko na proud din xia sa akin kahit paano sa kabila ng malayo naming sa isat-isa. Walang akong sinabi kundi pasasalamat sa kanya sa lahat ng pasakit. Tinangal ko ang hinanakit sa puso at umiyak sa harap nya habang sinasabi ko yon. Sabay yakap sa unang pagkakataon na unang ginawa ko sa buong buhay ko. Lahat ng hirap at galit.. naubos bigla.. ang gaan sa pakiramdam… Tapos na ang kabanata ko sa pag-aral at muli haharapan sa bagong hamon ng buhay.
Nagpasya akong maghanap ng trabaho sa Cavite. Pinalad naman sa isang factory noon sa EPZA. Hindi rin nagtangal dahil natapos din after 5 months. Ganon ang lagging routine ng aking work.Contractual palagi.  Nagtiis ako at palaging nagdarasal na sana makakuha ako ng stable na trabaho. Nang mga panahon na iyon, nagaaral kasi ang aking pangalawang kapatid na si Philip. Alam kung inasahan din nya.. suballit wala ako magawa para tulungan din xia. Buong akala ko, kapag nakatapos ka na, okey na.. marami ka paring pagdadaanang hirap bago mo matupad ang lahat.. Sa panahon na akoy nag-tatrabaho, hindi nawala sa isip ko ang paghahanap ko sa aking ama. Gumamit ako ng social media at kung ano ano pang way upang mahanap siya, subalit ako’y bigo kahit may ilang lead na naibibigay sa akin gang ilang mga nakakakilala sa kanya. Ganon pa man hindi ako nawawalan ng pag-asa na mahanap siya at Makita. At kahit may sarili na akong pamilya at may matatag ng trabaho sa isang kilalang kumpanya under ng SM Group of Companies at naka base sa 2GO Group Inc sa Taguig bilang isang Unit Leader, kalian man hindi nawala sa aking isip at puso ang paghahanap ko sa nawawalang kapiraso ng aking pagkatao…. ANG AKING AMA.
Wala na akong mahihiling pa kundi ang Makita ang aking ama sa huling sandali ng buhay nya.. Ang matagal kung dalangin na sanay Makita siya ang siyang bubuo ng aking pagkatao na matagal ko ng ipinagdarasal sa kanya..

At alam ko na darating ang panahon na iyo na kung gaano ako naghintay at nagtitiis na matangap ang lahat ng biyayang hiniling ko sa kanya noon na ibinigay nya, alam ko na may tamang panahon din upang matangap ko ang kahilingan ko na muling Makita ang tatay ko..
At ito ang kwento ng aking pagkatao at ang paglalakabay sa mundong puno ng pakikipagsapalaran subalit palaging umaasang nasa tabi lang ang poong may kapal upang akoy alalayan LAKIP ANG PAGPAPATAWAD SA MGA TAONG NASAKTAN AT AKO’Y SINAKTAN.
Ano man ang lakbayin na aking tatahakin, palagi akong positibong nakatingin sa direksyon na ibinigay ng diyos sa akin..

Mizael A. Boquid a.ka. Mike Farmers
STORY SIGN-OFF - 2008









"WHEN YOU BELIEVED..." A song to remember..